January 6th, 2009

Linking back and related entries

For patron accounts, I've added one new feature: linkbacks. Any time a Tabulas user posts an entry that links to a particular entry of yours, you'll see it appear in the comment view of a page. This will help you discover who's talking about your entries on Tabulas, and it is a way to encourage you to link to other's posts as well!

I've also started processing Tabulas entries for the "Related" entries feature - for those of you who don't know, this is a magical feature which will try to find "related" entries that you've written. Sometimes it's accurate, sometimes it's not. But it's fun to see what entries will show up

Related entries are processed nightly, so you may have to wait a bit to get related entries. All patron account should have had their entries processed, though.

Posted by tabulas at 04:07 AM in General News | 4 bored...

January 5th, 2009

Ganito pala feeling ng "night before the big presentation"

Parang may ewan sa tiyan na malikot. Tas alam kong prepared naman ako, pero sobrang kinakabahan ako.

Dati napapanood ko lang sa TV at pelikula, ngayon nararamdaman ko na.

Super Mario-Tetris hybrid set design, don't fail me.

Posted by aa_Ron at 03:55 PM | read!

January 3rd, 2009

New Year, New Skill

Marunong na ako mag-knot ng cherry stem with my tongue. Hmmm.

Happy New Year! Sa mga lubog sa acads.... kapit lang.

Posted by aa_Ron at 04:42 PM | 1 bored...

January 2nd, 2009

Hit logging

One of the bigger complaints I've gotten about the control panel redesign is the lack of accurate hit logging. To that end, I've added back one of the more popular features for patron accounts: viewing your recent visitor traffic logs.

Because of server limitations, you can only view your last 72 hours worth of data, but the data it provides should give you a better idea of where your traffic is coming from.

Check it out in your control panel.

 

Posted by tabulas at 05:35 AM in General News | 3 bored...

January 1st, 2009

purpose & worth

klads.jpg picture by makoydakuykoy

Binalikan ko ang Disyembre ng 2007 at nakaka-mesmerize na maraming-maraming-marami akong blessings na natanggap ng taong 2008 lalo na nitong nakaraang buwan.

Una na shempre ang pagbabakasyon ng nanay ko para sa Pasko at Bagong Taon.

Nung launching ng Ani sa CCP, napanalunan ko sa pa-raffle ang eskultura ni Tata Raul Funilas. Soooooobrang bigat talaga ng "mother and child" niya. Shempre pa espesyal ang premyong yun dahil si Tata ang lumikha.

Tas nanalo ako sa office ng $150 at kagabi lang nanalo naman ako ng gift pack. Suwerte talaga siguro ang nakakaapak ng tae.

Napabili ako ng sapatos sa Pony. Sobrang mahal! Php2,500. Mukha siyang canvas pero hindi. Gamosa sya. Saka ang ganda ng design kaya napabili na ako. Medyo malaki ng konti ang sapatos. Allowance para magamit ko ng mahabang panahon di tulad ng dati na pumutok na ang gilid-gilid.

Nakakatuwa rin ang mga regalo ko noong Pasko. Spongebob na boxer shorts. Isang 4gig na flash drive [lalagyan ng porn hahaha!]. At isang lamp shade na hubo't hubad [titi nya yung switch].

Nagpapasalamat din ako sa mga nagmamahal kong kapamilya at kaibigan. Kasama na ang mga ka-suso.. Hehe..

Posted by soulfly at 02:08 AM | 12 bored...

December 31st, 2008

A Message of Concern : Happy New Year! :P

Ano ang napansin ko sa taong ito aside from experiencing some few traumatic events (biglang nega eh hehe)? Ang usok grabe! Mas mausok pa kesa last year. Anyhoo, para sa mga taong sumama ang loob sa akin, paumanhin at hindi ko sinasadya. Sa mga taong feeling naman eh sinadya kong masaktan sila, most likely, sinadya ko nga talaga. Hahahaha! Gantihan ba?

Eniweys, Happy New Year! It's not going to be a guarantee na magiging maayos ang 2009 but at least try to make the best out of it. Ganun din sa mga susunod na taon.

Again, HAPPY NEW YEAAAAAAAAAAAAAR! Hahahahahaha

Posted by preppy_porcupine at 04:20 PM | read!

December 26th, 2008

And the Best Trailer Is...

Isa sa mga life goals ko ang mapanood lahat ng entries ng MMFF sa isang taon. Pero dahil wala akong pera pampanood ng 8 pelikula (hanggang 2 lang kaya ko), trailers na lang ang papanoorin ko lahat.

Sadly (haha) wala akong mahanap na trailer ng Magkaibigan online so hindi na sya kasali sa Best Trailer award. But of course we mustn't let that tragedy tear our world apart, kaya on with the bashing, erm, watching! (In no particular order ito, depende lang sa unang matapos magload.)

Trailer # 1: Dayo [http://www.youtube.com/watch?v=pZ09ItcIDMc]
Hmmm. The English narration doesn't work for me. Sana in Filipino na lang kasi ang nangyari, hindi smooth yung transitions between the languages minsan. Ok yung kulay, Disney-ish but still, pretty impressive. Better than Urduja, I think. Medyo pilit yung lines, lalo na yung mga may reference to Mike Enriquez etc. Bandang huli paulit-ulit yung word na 'dayo'. Overused lines in trailers of hero-hero movies used. Ok yung music towards the end with the abrupt ending cutting to the title graphics. Swabe lang. Di ko feel yung tikbalang.
Overall: I like. Not bad ah.

Trailer # 2: Baler [http://www.youtube.com/watch?v=bgyci__wM6w]
Watched the one in Mark Meily's YouTube account mismo. Naman, 1-minute color bars?! The bell at the start of the trailer reminded me of... Sukob. Mas mukha pang Kastila si Anne kay Jericho, mali ang casting. Hindi man lang pinaitim si Anne kahit konti. Ah yes, ang event sa Baler. Ilang quiz bee ko rin na-encounter ang event na yan. Oks si Joel Torre. Natawa ako nung nagsalita si Leo Martinez. Hmm tama ba ang feeling ko sinusubukan nito i-present ang dalawang side ng digmaan? Breaking the norm of history being the story of the victor? Haha merong pa-star na debris sa dulo, ang taas ng talsik.
Overall: "Mahirap... mahirap na mahirap." (Curtis 2008)

Trailer # 3: Iskul Bukol (20 Years After) [http://www.youtube.com/watch?v=_YPtuiyNjec]
Indiana Jones much? OA silang lahat umarte. Tito, wag na ipilit. Hindi talaga eh. Erm parang totally unrelated yung clip ni Ryan na hinuhugasan yung batang nagpupu, bakit napunta tayo dun bigla? In fairness natawa ako dun sa nasuot sya sa hawla hahaha. Saka dun sa mga tumalon sa talon haha gets? Okay, bumawi sa ending.
Overall: Hindi benta sa akin yung mga jokes, o baka dahil di ko na naabutan 'to? Pero may ibang natawa ako.

Trailer # 4: Desperadas 2 [http://www.youtube.com/watch?v=jB1zcBrIqK8]
Okay ang simula. Ruffa is her usual fake accent self. Courtney=Kertney. Nakakatawa si Ruffa Mae na nakakainis. They should've ended after the title graphics, but noooooo kailangan buong movie nasa trailer. Hmm pero wait ok rin na nagpakita na ng conflicts shiz sa trailer, pero sumobra eh. Fail yung cast graphic texts sa dulo.
Overall: Hindi nagbibiro yung naglagay ng "full trailer" sa title. Parang full movie na nga eh.

Trailer # 5: Ang Tanging Ina Nyong Lahat [http://www.youtube.com/watch?v=lPkVp6cw_3o]
Ang sakit ng tiyan ko. Haha sorry ambabaw ko eh. Serena Dalrymple!! Ang galing pa rin talaga ni Eugene Domingo. Mala-Maid in Manhattan yung outfit-fitting scene. Hula ko yung lalaking nakasalamin yung nagpapatay sa president.
Overall: Parang andun na rin yung buong movie, pero enjoyable syang trailer kahit mahaba.

Trailer # 6: One Night Only [http://www.youtube.com/watch?v=jgmzMx5QpZE]
Nakakahilo yung first 5 seconds. Actually, nakakahilo lahat. Maiksi lang, enjoyable naman... medyo nakakatawa. Nakakahilo, nakakahilo, nakakahilo.
Overall: Nahihilo pa rin ako.

Trailer # 7: Shake Rattle and Roll X [http://www.youtube.com/watch?v=QdPkJzWl5NU]
Wow may crawler ad pa ah. Tsk tsk. Di ko feel yung voice-over. Um-effort sa graphics ah. Pero wa epek eh. Si Marian Rivera, tama si Erika, mukhang katipunera. Si Roxanne Guinoo hindi ako naniniwalang doktor sya. Tumawa na lang ako nung nagsalita si Marian Rivera. Parang everything's the same banana naman eh, ano bang bago sa SRR? Bukod sa crawler ad, I mean. Hahaha basta tuwing lumalabas si Marian sa screen natatawa ako. Favorite part: 1:45, easy breezy beautiful covergirl. Nakakatawa syet. Si Marian, little red riding hood na naging katipunera.
Overall: For a horror movie? Nakakatawa. Wala pa ring kupas ang SRR.

Ok, ang nanalo for me ay Dayo. Second ang Baler. Third yung Ang Tanging Ina Nyong Lahat.

May special award yung Shake Rattle and Roll X for making me laugh the hardest. Tumatawa pa rin ako ngayon. Ibang level eh.

Posted by aa_Ron at 05:24 PM | 2 bored...

Yung pamilya ko pwedeng pang-sitcom, pwedeng pang-chismis show

Pag family reunion talaga, ang daming napag-uusapang issue. Kuripot si ganito, naghihirap na si ganyan, na-rape pala si ano noong araw. Usually ang documentation lang pag family reunion namin eh pictures kaya feeling ng mga tao safe makipagchismisan about our absent relatives, pero malas nila kasi this year dinala ko yung handycam ko.

Andaming nabunyag at pinagchismisan, karamihan tungkol sa mga nasa US. Eh papadalhan ko sila [yung mga nasa US] ng kopya ng video, paano kaya yun.

Dito papasok ang mga natututunan ko sa kolehiyo. Ie-edit out ko yung mga parts na yung mga nasa Amerika ang pinag-uusapan. Nakakatawa lang yung mga kwento. Sample:

Lola: Si R****** naku, ang lakas mangutang tapos kakalimutan magbayad.
Kapatid ni Lola: Ay oo, bumababa lang galing Baguio yun for two reasons--mangungutang, o kaya mamamasko.

Lola: Sabi ni Kuya C****** pag gabi daw ginagawa nyang elisi si Ate L****, grabe! Ang bastos!
Kapatid ni Lola: Ikaw ba ginagawa ring elisi nung asawa mo dati?

Ayun yung mga kwentong di ko dapat isama sa kopyang ipapadala sa US. Hahaha yung mga kamag-anak ko ginagago yung course na kinuha ko tapos ngayon nagre-request na magvideo ako sa reunion tapos magrerequest na i-edit-out ko yung chismis. Haha wala palang mapapala sa kurso ko ah?

Next year magdadala uli ako ng handycam. Naiwasan kasi yung mga bwiset na tanong na every year tinatanong sa akin eh. Sample:

Relative: Aaron ano nga course mo?
***haharap ako sa kanya with the handycam nakatapat sa mukha nya***
Relative: Ay ano ba yan, wag mo ako ivideo!

Relative: Nakita kita sa Oblation Run ah?
***haharap ako sa kanya with the handycam nakatapat sa mukha nya***
Relative: Ay wag masyado malapit sa mukha ko, pawis na ako!

Ayus.

 

Posted by aa_Ron at 01:43 PM | read!

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links