Fanboy Moment
Dahil masyado akong feeling maging musician, pumunta ako sa Harrison Plaza para tumingin ng TRUMPET.
Bakit trumpet? Bakit ba?! hahaha
Suplado akong pumasok sa tindahan. Agad kong kinausap ang nearest Sales Rep. hahaha Sales Rep talaga.
Meron ba kayong trumpet? Magkano? Hindi ko na agad hinintay ang sagot nila.
Sa tabi ko naman, may isang lalakeng bumibili ng gitara at medyo nakikinig sa usapan namin ng sales rep. Tinitigan ko siya ng maigi. Ahem....may eavesdropper. Yun ang pumasok sa isip ko.
Napansin ko na familiar ang mukha niya.
Nagulat ako pagkatapos. Nginitian pa niya ako. Ako naman, genuine ang pagkagulat.
Katabi ko pala si...

Wala akong nasabi kundi, Ay shet. Hello po...im a fan. Sabay abot ng kamay para lang makipagshake ng hands.
Patawa. Eavesdropper nga! Nagtru-trumpet ka? Usyoso niya.
Uh...hindi. nagfe-feeling lang ako. Tawa pagkatapos. Gusto kong sabihing "Whatever Yaya" pero hindi na ako nakapag-isip nang matino. Sige po. Buh-bye.
Pero dahil wala akong camera, hanggang dun na lang ang alaala ko sa isa sa mga idol ko.
Mabuhay ka Michael V.
*Nagulat lang ako na doon pa talaga siya bumili ng mga musical instruments.
---
Mula ngayon ay isasama ko na sa blog na ito ang mga instances with the REAL stars. Hindi yung mga nagfe-feeling lang tulad ng mga baguhang artista ngayon.
Posted by mikhailnovich at 01:52 PM | 1 bored...