SHAKE, RATTLE and ROLLing on the floor laughing Part II.

[poster taken at www.regalmultimedia.net]
Since the return of the longest movie series, pinilit naming subaybayan ito para malaman kung may pagkakaiba ba ito sa mga nakaraang versions(?) nito (storyline,artista,production,enjoyment)
Okray nato! Pero may good points naman kahit papano. kung kasama ka sa gumawa ng palabas na ito, wag mo na basahin ito, mag-aaway tayo hahaha [written in tagalog para mas feel]
PART I – 13th Floor
(Keanna Reeves and co.)
Mapapansin natin dito na bumalik si Isay Alvarez (dating kasama sa ATBP. – awit,titik,bilang at iba pa) sa pag-arte, kasama ang asawa in real life na si Robert Seña.
Bibili sila ng isang LUMANG bahay (SIGAW-richard gutierrez) at gagawin itong kaaya-aya. (renovation ekek).
And so on and so forth. May mumu dahil may masamang nangyari sa bahay. Blah blah blah.
Ang hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan laging comedy ang magiging resulta nito. Baka dahil ang mga artistang ginamit mo ay pawang mga komedyante. Keanna Reeves, Bearwin Meily, Janus Del Prado et.al, na kung saan mapapasigaw ka dahil sa katatawa.
At bakit laging may landi scenes sa horror? Magpropose ba daw si Joseph Bitangcol kay Roxanne Guinoo habang hinahabol sila ng horror kids.
Andito rin pala ang usual mga lumulutang na items…at brownout; ang hindi mawala-wala sa horror movies sa pilipinas.
PART II – Yaya
(Nash Aguas, Iza Calzado)
Boto ako kay Nash bilang maging best child performer…(palibhasa ditto lang ata may batang gumanap…at sa part na ito lang talagang may big part ang isang bata)
Paghaluhaluin natin si Dennis the Menace, Kevin McKallister(HOME ALONE-caulkin, hindi ko alam spelling ng pangalan nya hanggang ngayon) at Aiza Seguerra. Bibong bata… panalo. Kahit si Iza (wow, first name basis) halimaw rin (literally and artistically) galing talaga umarte. Wag lang gasgasin…kahit gasgas na.
Ang yaya pala ng bata ay isang monster. At ang bata ang makakatalo dito (ASWANG-Alma Moreno) Best performance din pala ang maaring igawad kay Saver…ang aso na marunong umarte (hahaha)
Ngunit,subalit,datapwat,samakatuwid… ang gusto kong maging title ng part na ito ay GREMLINS (haha) mukha kasing gremlin ang monster na kalaban nila.
At sino ang biglang makakatulog habang nagaayos ng damit. (mga narcoleptic sabi ni jaja) mind you, nagkwekwento pa siya ng mga horror horror-an. Sayang ang acting ni Nene Tamayo (PBB Season 1 winner)
PART III – LRT
(Manilyn Reynes, Keempee de Leon)
Dito pwede ko purihin ang powers ni Mother Lily. Location palang, LRT2 station. Isiping nakapagshoot ka dun, nagbasag ng bintana ng isang LRT, naglakad sa mismong rails, at sirain ang mismong LRT train.
Ang storyline, may maraming taong mastranded sa isang Lrt station pag-sara nito, tapos isa-isang mamamatay (tipong I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER, URBAN LEGEND at kung ano ano pang whodunit movies) tapos pag nakita mo na ang monster ay mapapaisip ka, THE VILLAGE na kamukha ng halimaw.
Hindi nga lang consistent ang style ng monster. Malalaman nating sa sound nakakapaghanap ng kakainin ala mga paniki (or TREMORS movie) pero may parts na wala namang ingay pero nakakapatay siya.
Ang mga artista din pala ay isang trait per person, walang growth or change…(wag nila sabihing maikli lang kaya mahirap ang character development…ang mga videopr projects, 5 mins, may development na) Si Mico Palanca, sigaw lang ng sigaw…AS IN!. SI Eugene Domingo, dasal ng dasal hanggang sa namatay, yung lalaking maputi, flirting hanggang tinuhog ang dibdib. Andito parin ang lovestory sa gitna ng nagbubulwakang mga dugo sa pader, damit, etc.
Basta bilib ako sa location.
Pwede mo rin pala ito ihalintulad sa urban legend ni Rubina… ang babaeng ahas na matatagpuan daw sa ilalim ng Robinson’s Galleria… na muntik nang kumain kay Alice Dixon. Hahahaha
All in all, ang Shake, Rattle and Roll ay isang feel good movie. (ok nay un kaysa noon… na isang comedy film) hahaha
shet ang haba nito. at least mas mild ang review ko ngayon. please forgive the typos. wala pala akong ginawa sa sinehan kundi tumawa hahaha
----------
Quote:
Charles : ito mga susi... baka makalabas na tayo dito.
Keempee : wag na...ang dami.
oo. kasama sa movie ang linya na yan
Currently listening to: Daydream - Avenue
Posted by mikhailnovich at 05:01 PM | 3 bored...





