F for Flaming houses, Filipinos and Funny Quotes
parang timang si teddy, sya dapat ang star ko para sa art and vanity story ko kasi isa syang lalakeng may mahabang buhok. (connect? pag pinost ko na yung synopsis malalaman nyo) tapos kanina pag punta ko ng school...aba, nung una inakala kong apprentice o isang high school student na kapatid ng isang staffer. YUN PALA, si teddy! he decided to have his long hair cut fuckin short... as in! imagine gupit binata(for males who can relate) or grade school stereotype hair (for those who cant relate) ngayon magpapalit tuloy ako ng character sa story
then i had my hair done also... (check quote#1)
----------------------
pauwi ako ng makasalubong namin ang sandamakmdak na firetruck... ang bilis magpatakbo. imagine driver na natatae hahahaha
nung nadaan namin ang sunog...balik ang unang dalawang sunog na naencounter ko malapitan. ito isang satire. :p
I.EXT.KALSADA.GABI
Maliwanag ang daan. Makikita nating isang di-gaano kalaking bahay ang nasusunog; doon pala nagmumula ang liwanag na bumabalot sa daan. Maraming bumberong bumababa mula sa kanilang mga firetruck. May mga pulis ding nakabantay sa may kalsada, mga ambulansya para madala ang mga mamalasing masawi o masaktan sa sunog. Dumating din ang isang crew ng isang tv station...RPN9.
Tumatakbo ang isang reporter kasama ng kanyang cameraman. Hind pa simula ang pagbroadcast.
II.EXT.KALSADA.GABI
Sa di malayong eskinita, makikita nating may mga taong naglalakad...papalapit sa sunog, yung iba tumatakbo. Wala silang dalang balde ng tubig
LALAKE
uy may sunog!
Uusyoso lang pala.
III.EXT.KALSADA.GABI
Makikita natin ulit ang reporter, simula na ang broadcast.
REPORTER
andito po tayo ngayon sa (insert location)
at kasalukuyan pong nasusunog ang
isang skwaters area. katabi ko po
ang isang ginang na nasunugan.
Ipapakita ang babae.
BABAE
huhuhu...tulungan nyo po ako. andun pa
po sa loob ng bahay na nasusunog ang aking anak.
tulungan nyo po ako!
(sabay kaway sa camera)
Sa likod ng babae, maraming lalakeng walang tshirt ang tumatalon at kumakaway sa camera.
-----------------
hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang phenomenon na ito. kung nasa ang sunog, andun pa mas maraming tao. hindi naman sila tumutulong. andun lang talaga sila. nakatingin naghihintay madiscover para sa isang pelikula siguro
Starring:
the people of makati as taumbayan
ewan ko ba.
sorry in the mood for writing screenplays hehhee
corrections in spelling and grammar are welcome :p
--------------
Quote:
1.
"nagpapagupit ako kung depressed ako"
"ako nagpapagupit pag feeling ko ampanget ko na hahaha"
2. (reconstructed)
"oi chong, tignan mo may sunog dun..."
"oo nga pare, 'lika puntahan natin"
3.
"sis! punta tayo sa sunog...andun rpn9"
Currently listening to: Guster - Demon
Currently reading: MARVEL Encyclopedia
Currently feeling: austistically normal
Posted by mikhailnovich at 01:37 PM | 8 bored...

hahaha HUkBALAHAP hahaha