Entries for February, 2006

February 3rd, 2006

ang pamamaril sa mcdo!

PATAMA

1. nakakatawa... mukha ba akong naglalakad na dyaryo?
2. ang lalandi parin ng mga tao!
3. bakit madalas magshare ang tao kung pawala na ang issue? para tapos na ang gulo...hmmpf! hahaha
4. simula na... ang? hmmmm

PAGTUMBLING

nasa office ako kanina (entry posted kahapon, updated timestamp lang para sa daily update)...nakita kong tumakbo papalabas sina NOEL (BPC) at JM (BPC) ng SPO (student publications office) habang sinasabi na baka andun si jiggy manicad o kung sino mang taga gma7. (nauna pala ang gma kaysa sa abscbn sa news! haha)

tapos may nagtext sakin...

ayun! may pinatay at nagpakamatay sa Mcdo-Taft kanina. (information gathered as of 5pm Feb.02) isang assistant manager ng mcdo ng bumaril sa isang employee sa may employee's room(?) sa di malamang dahilan. pagkatapos nito, lumabas at umakyat ang naturang salarin sa bubong ng nasabing establishimento at nagpatiwakal... (insert Goodbye cruel world scenario) (wala ako sa mismong pangyayari...pero since pang tabloid ang skills ko ang dami ko nang nalaman although talo parin ako ni *Jenny from the Taft-penge piso man) naganap ang pamamaril mga 2:50-3:05 ng hapon...habang maraming taong natutuwang kumakain ng kanilang mga chicken nuggets; may narinig daw na putok mula sa likod...malapit sa cr... hala!

sa pagkakaalam namin, ang nabaril ay isang kandidato para maging manager...hmmm inggit? *update, binaril ni asst.manager ang manager...hala! si oompa-loompa kaya yun? yung lalakeng maputi? *tapos may joke sila na yung tao sa loob ni grimace ang namaril kasi hindi nya matanggap na wala siya sa menu ng mcdo...at hindi nya alam kung ano sya... ayun! nag-amok ang ube na nagkatawang ice cream cone at nagkatawang tao

ang saklap ng nangyari, babae pa man din ang binaril nya... ano mapapala nya? tapos nagpakamatay...edi hindi rin sya naging manager. (as of 12:34am Feb.03, sa mukha daw tinamaan ang babae samantalang sa noo naman ang lalake)

sinarado tuloy ang mcdo kanina. nakakaasar! pano na ang mga burger!? at baka magkaron na ng multo ang naturang *restawran* hahaha

scenario: kumakain ka sabay may lalapit... "masarap po ba ang pagkain namin?" sabay vanish into thin air... eeeeeeeeck! hahahahaha urban legend or....since sa may cr naganap ang krimen... hala!

at tulad ng nakalagay sa taas...
aba nga naman! halos ang daming nagtext sakin, at nagtanong "MITO! ano nangyari sa Mcdo!?"

at as usual... andun ako malapit sa mga cameramen... kahit bawal ang kumuha ng litrato kung hindi ka press--or kung walang press id. pero may astig na tao kanina... nung walang nakatingin na pulis biglang naglabas ng camera ay tumira agad... ambilis! wala pang 5 seconds. taga tabloid siguro yun hahahaha (ayan! as of today... meron na akong access sa picture nung lalakeng nagpakamatay... pero sa monday ko pa makukuha)

PATATAS

may binili akong libro sa "a different bookstore"

The Historian by Elizabeth Kostova (tungkol ATA ito sa lineage ng alleged real DRACULA) at
The Shadow of the Wind (tungkol sa Cemetery of Forgotten Books sa Spain) by Carlos Ruiz Zafor

nanood rin pala kami ng PROOF kanina... nakakabaliw! puro math ang pinaguusapan! nakakairita!!! nakita ko din sina Lanier (VIDEOPR), COSTY (TRANSFEREES) at RED (DIGIPHO) at yung 2nd place sa Pinoy Pop Superstar...hindi ko alam pangalan shet!

haikus will be posted next entry...overwhelmed ako sa pamamaril kanina

Quote:
hindi porque broken na ang pamilya mo eh broken ka narin...

Posted by mikhailnovich at 04:26 PM | 15 bored...

February 8th, 2006

PATAMA

1. please lang...hindi ako bulag..sana ikaw nakikita mo na
2. kung ang buhay natin ay parang libro, ang daming chapter na nagtatapos sa tanong na "bakit"
3. ginawa ng diyos ang bibig para magsalita ang tao. isfikap! wag hintayin na humaba ang istorya

PAGTUMBLING

shoot for next week, nakakatamad ang buhay ko ngayon. manonood na lang ako ng Celebrity Pinoy Big Brother. malaki pala talaga ang dibdib ni Keana Reeves hahaha

nagbabalik na naman ang hilig sa face paint...pati ang pagsuot sa mga kahon at maliliit na cabinet. walang magandang nangyari sa mga nakaraang araw...

haay...mang-away na lang kaya ako ulit. bitin at hindi kumpleto ang mga araw ko wahahaha

PATATAS

magdidilig ako
manggagatong ako
magtatanim ako
ng sama ng loob...

pagkatapos nun
pagkatapos nun
pagkatapos nun
kakausapin kita...

sasabihin ko
sasabihin ko
sasabihin ko
i hate you

kahit alam ko
hindi naman totoo yun

Quote:
"pwedeng mag-assume wag lang mag-expect"
hmmmmmm

Posted by mikhailnovich at 04:29 PM | 6 bored...

February 10th, 2006

naiwan SYA sa MRT.

makikita nyong maraming tao ang magkwekwento ng susunod na pangyayari sa iba't ibang paraan.

itago natin ito sa titulong  "My Sassy Love" (medyo mahaba ito) kelangan dito ang malawak imahinasyon...

I. INT.EDSA MRT STATION.AFTERNOON

Bababa ng hagdan ang isang grupo ng estudyante. Si Mito, isang maingay na nilalang na madalas naihahalintulad sa basura dahil ito ay pakalat-kalat. si Marvs, ang tinaguriang General Information Buff sa mga magkakaibigan. Si Mishi, isang karakter sa kabilang mundo kasama nila Raizen at Yomi na nagkatawang tao at nakisalamuha sa mundo ng mga tao...Si Jaja, ang holy mother of china-naligaw at napadpad sa pilipinas. Si RA, isang driver ng maraming kotse na ngayon lang lumipat ng pamantasan mula sa mala-impyernong Comsci. Si Love, ang babaeng sinuka ng Japan at kasalukuyang lumalandi sa CSB...at Si Luigi, ang pinaka-boring na ginawa ng diyos sa balat ng lupa...nakalimutan yatang biyayaan ng kung anong meron man ang mga kasama.

Dalawa ang tren(?) ng MRT ang nakaparada, medyo marami na ang tao.

MARVS
trip...yung mga lalake sa kaliwa,
yung mga babae sa kanan.

MITO
kahit saan na! haha
hoy! dali! baka maiwan tayo ng MRT

Hihilahin ni Mito ang mga babaeng kaibigan at kung saan na lang gusto pumasok. Pupunta sa kabilang tren sila Love, Jaja at RA. Nagtatatawang naghahabulan ang magkakaibigan--palipat-lipat ng sasakyan.

Nakita ng "barkada" na paalis na ang kabilang tren. Tatakbo sila papunta doon at pumasok. Paglingon ni Mito, nakita nyang sumunod din pala ang lahat ... maliban kay Love.

Saaara ang pinto ng kabilang sasakyan bago pa nakalabas ang babae. Nagulat ang lahat, at natawa na lang at kinawayan na lang si Love. Kinakatok ni Love ang pinto...parang gusto itong buksan pero walang syang magawa. Tumatawa ng malakas si RA 

Napatingin din ang ibang tao sa tren at napatawa...

Papalayo na ang tren kung saan naiwan si Love. Nagtatawanan parin ang mga tao.

II. INT. AYALA MRT STATION.AFTERNOON

Bababa sila Jaja,Mishi,Marvs,Mito,Luigi,RA. Tinawagan si Love para malaman kung nasan sya...nagbabasakaling baka naunang bumaba sa kanilang sa kadahilanang nauna na syang umalis ng terminal. Nagtext si Love...

LOVE
BWAHAHAHA! NASA ORTIGAS NA AKO!

Tumawa ulit ang magkakaibigan.

-------------

diyos ko, ang daming tao sa glorietta... from CSB at DLSU (philip,jam,miggy,pao,alex,costy,bea at ibang hindi kilalang comsci students)...parang pumasok rin ako sa klase sa sobrang daming nakitang kakilala...(palibhasa wala akong pinasukang klase nitong nakaraang linggo)

nakipagsapalaran kami ni Mishi sa PiaDina habang ang iba naman sa Thai Barbecue(?).

------------

at isa pang diyos ko... nalungkot ako habang papauwi...dahil sa mga nalamang bagay... hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko. Kung ganun sya mag-isip, pano pa kaya ako...bumaba ang confidence ko; natakot ako at napaisip na wag na kayang ituloy ang mga balak ko sa darating na mga linggo...o gagawin ko na lang ang kabilang plano...tapusin ang lahat...

1. kung ganun ka, pano pa kaya ako?!
2. marami akong inaatupag...baka hindi kita "maalagaan" noh

------------

tinitingala
dahil ikaw ang idol
astig ka kasi

pinupuri ka
buhay mo'y isang fairytale
may happy ending

pero ano na
gumuho ang mundo ko
at nabasag pa

bakit sa lahat
ng tao ay ikaw pa
ang magbabago

-----------

Quote:
"mito! ang laki laki naman nung sayo!"
- nung nakita ni Love ang binili kong Calzone...hahaha hindi ito bastos, at nakarating din si Love sa glorietta after 30 minutes

Posted by mikhailnovich at 04:30 PM | 2 bored...

February 13th, 2006

ice tea at mojo

PATAMA 

1. wala talaga akong alam... biro mo, ang mala-tabloid kong buhay, ngayon tila nasa kumbento ay nagninilaynilay
2. ilang oras na lang...sasabihin ko kaya ang totoo? eh ano nga ba ang totoo? nyuk nyuk nyuk! hmmmmm hahaha
3. oi! mukha kang bading sa picture :p

PAGTUMBLING

bumili kami ni Reg ng mojos kanina, nainggit kasi kami kay Kat dahil may dala sya. Nung nasa shakey's na kami... nagbayad na si Reg ng 75 pesos. tapos, wala na palang mojos! sinabi nung lalakeng mukhang hindi pa natutulog, "2 mins po...parating na yun"

eh ano pa ba magagawa namin, eh hayok kami sa patatas kanina... naghintay kami ni lolah habang nambabackstab hahahaha

may kumalabit samin bigla, paglingon namin (mala-palmolive commercial) andun yung lalakeng mukhang hindi pa natutulog inaabutan kami ng iced tea. "pasensiya na po sa inyo..."

tinanggihan ko ang alok...pero dahil libre yun,  kinuha na rin. WAG TATANGGI PA LIBRE ANG BINIBIGAY SAYO! hahahaha! Nakuha namin ang mojos pagkatapos ng sampung minuto. Umakyat papuntang opisina...doon nilantakan ang mga naturang patatas. Mas matagal pa kami naghintay kesa kainin ang pagkain...parang may patay-gutom na kinuyog ang kahon...

moral lesson? matutong maghintay...di mo alam na may darating pang grasya sayo...

or

pag bibili ng pagkain, tiyakin munang may stock...para hindi maghintay hahahaha 

eto na rin yung pic nung facepainting/pictorial session namin (mula sa kaliwa, YUGGY, MISHI, AKO)

yuggy mishi mito

PATATAS 

para sa valentines bukas, para sa inyo. magiging defensive agad ako, walang kinalaman sakin ito para tapos na agad ang issue

naguguluhan ako...hindi ko alam kung ano na ang nangyayari
dahil kaya sa wala na akong alam?
dahil kaya sa ako na lang ang nagkwe-kwento?

natatanga ako... hindi ko alam kung bakit ganoon na ang nangyari
dahil kaya nag-iba ka na?
dahil kaya ito sa kanila?

hanggang ngayon nakangiti ka parin
hanggang ngayon nakatingin sayo
hanggang ngayon madalas parin praning
hanggang ngayon kausap ay bato

gusto ko sana sabihin sayong mahal kita
gusto ko sana ay makasama ka
pero bakit hanggang ngayon hindi ko magawa
iniisip ko yata, meron ka nang iba
.

marami-rami narin ang may titulo na hanggang ngayon...mula ogie alcasid, regine velasquez at kyla...ngayon! ako naman hahahaha 

 

Quote:
"why do you have to tell it at my back...i have a face!"
-
inisip ni jc na pwedeng sabihin ni melanie marquez.

Posted by mikhailnovich at 12:01 PM | read!

February 15th, 2006

trust...hindi yung condom

masasabi natin na mapupuno ng pagtataka ang maisusulat ko ngayon
bakit? yung sounds kasi eh classical music na makapagbagbag-damdamin...sobra! edi why not join the drama with another drama habang kumakain ng california maki

------------------------------

ang pagtitiwala...

na sa akin binigay, ay hindi ko madaling ipamahagi sa ibang tao. mula noon hanggang sa pagkakataong nagsusulat ako ngayon, ang tiwalang inilaan sakin ng diyos at nasa sa akin lamang. siguro may mga pagkakataon na napapakwento ako pero bakit ba lagi na lang itong putol...bakit ba lagi na lang kulang at hindi tinatapos?

ano ang meron sa tao at bakit kailangan hindi lahat sabihin...o dapat bang ganun?

hindi ko lubusang maintindihan..pero ganun talaga ang takbo ng hangin sa utak ko... kaya sa pagkakataong "hindi naman lahat kailangan kong sabihin" na aking naririnig at nalalaman mula sa ibang tao... ay walang ibinibigay saking lungkot. tingin ko naiintindihan ko sila.

pero bakit nga ganun ang iniikutan kong mundo...puro na lang pagaalinlangan at pagtatago mula sa kakilala. natatakot kayang may panahon na pwede itong gamitin laban sa iyo... natatakot kaya na parang ang buhay mo ay wala ng misteryo--parang isang taong nakahubad sa ilalim ng buwan...naghahanap ng masisilungan.

marahil ay ganito nga ako...

maraming tinatago at maraming kinakahiya. natatakot sa panlilibak na matatanggap mula sa ibang tao... kahit sabihin na ang kumpyansa sa sarili ay maayos...pero dahil parte ako ng lipunang mapanlait at mapang-mata... ang pakikibagay sa ibang tao ay dapat lang bago ang iba. 

datapwat maligalig at makwento...may pagkakataon na ba akong nagsabi ng mga malalalim na bagay na sabihin nating bumabagabag sa isip ko? sa pagkakataong ito... oo... may nasasabi na ako.

ang pagtitiwala...

na sa akin ipinaubaya...

na sa akin isinumpa...

ngayon sa'yo ko naman ipapamahala...

--------------

babagsak ako ng digivid, basicad, anicart...tapos yung iba nanganganib pa

kahit ang mga cards nagsasabi na ang pag-ihip ng hangin ay medyo nakakarimarim...

balik na sa paninigarilyo ...

--------------

*hmmm... gawan ko kaya ng video ito? mas naiisip na akong kakilala bagay dito hmmmmm

Posted by mikhailnovich at 11:49 AM as a favorite post | 9 bored...

February 17th, 2006

itigil

itigil na ang lokohang ito...

maasar na ang maasar...basta! oo! ewan! sige!
kung maayos ang mangyari baka magbago pa isip ko...
pero sa pagkakataon ngayon...

end

Posted by mikhailnovich at 03:30 PM | 5 bored...

February 18th, 2006

answer this! dali!

http://kevan.org/johari?name=Mito

descriptions...uhm...chuva :p

-------------

listening to sir ted is such a bore and a pain in the ass. god, with all the monotony; the horror of listening makes me throw up. maybe i'll go salvage projects from different computers rather than make one.

luckily, student publications office is still open and the people are smiling...

helllo to ate ana, ate me-an, ate rizza, papa god teddy, project boy caloy and the guy whom im not familiar with hahahaha

what's with the people saying that Johnny(BPC) and I are brothers...mostly said as "separated at birth"... i think im more good-loooking than him hahahahah what confidence

gotta watch Munich and Brokeback Mountain later. Man, i'll never really look at Heath Ledger the same way again hahaha and i never realized Eric Bana is the lead star in Munich

yeah....this entry's silly... and in english too! whoo!

-------------

Quote:
"si sir benjie mukhang penguin"
- Caloy

Posted by mikhailnovich at 03:29 AM | read!

February 20th, 2006

maraming tupa sa gubat

1. psst! i love you :p
2. kaso...
3. kaya...

------------------ 

sabado...

pagkatapos ko magpa-english english sa nakaraang post ay tumunganga muna ako sa yearbook office para maghintay ng labimpitong bulalakaw...eh? labo

natuloy kami sa greenbelt kung saan natagpuan namin kumakalat si Kathy (CSb-Transferees) dun sa may daan ng landmark. ngunit kailangan lumipad na parang spaceship dahil mahuhuli na kami sa palabas... iniwan na muna namin si kathy; napanood na daw nya ang panonoorin namin...

pumasok ako ng sinehan kasama ni marvs at jaja kasi magsisimula na...

nga pala...ang titulo ng pelikula ay BROKEBACK MOUNTAIN.

ano? maganda talaga ang palabas... heavy drama! heavygats!!! gusto ko tuloy panoorin ang Munich para malaman kung ano sakali ang ilalaban nito.

input some gay lingo

may dragging parts ang hitad, yung iba...punong-puno ng landi...lalo na nung nahuli sila nung kanilang bossing. hindi talaga matanggal sa isip namin ang joke na naging brokeback ang pangalan ng nasabing bundok dahil nagkabali-bali ang likod nila sa kakalapastangan at kachuvahan sa isa't-isa. pero... my gash! nagkabali-bali rin ang likod ko kakagalaw sa kinauupuan ko sa kadahilanang kakatawa sa mga nakikitang mga eksena....mula sa unang mahalay na bedscene (naalala ko tuloy si ms lai...siguradong sasabihin nya sakin "yan! punong-puno ng libog!") hanggang sa matitinong halikan na medyo mamasa-masa na malagkit. *bigyan din natin ng award at masigabong palakpakan si michelle williams-ang asawa ni heath ledger dahil sa kanyang mala-gomburzang martyrdom ng makita nyang nakikipaglampungan ang kanyang maybahay sa isang lalaking puro bigote. bigyan din natin ng papuri si anne hathaway..."when princess diaries goes bold" wahahaha career move na ba ito?

pagkatapos ng pelikula...inisip ko...kung babae at lalake ang magkapareha sa palabas, ano kaya ang mangyayari? magiging ganun kaya ka-drama? ika nga ni karla "magiging chick flick" yung tipong judy ann/piolo, heart/geoff, ang walang kamatayang hero/sandara at ang bagong malanding palabas sam/bea/john lloyd trio...chuva chuva

kailangan lang talaga open-minded ka...pagkatapos nun...maaapreciate mo ang palabas...maayos naman sya talaga...at ubod ng drama...iyakan na ito hanggang sa mapuno ang LaMesa Dam at magkalandslide ulit sa iba't-ibang parte ng timog-silangang asya.

ngayong linggo...aeon flux, memoirs of a geisha ang target panoorin.

nagkaron na tuloy kami ng bagong term...
"brokeback-an na naman kayo ha!"

-------------

tribute to keanna reeves hahaha

maliligo na
marumi na raw kasi
icky ng feeling

maliligo na
matutulog na kasi
gusto fresh feeling

------------------

Quote:
"i wish i knew how to quit you..."
Jake Gyllnhall(?)

Posted by mikhailnovich at 04:42 PM | 13 bored...

johari me

http://kevan.org/johari?name=Mito

click nyo dali...

 istiki post

Posted by mikhailnovich at 04:44 PM | read!

February 22nd, 2006

alaala

1. may taong manhid
2. may taong sakim
3. may taong masama
4. may taong tanga
5. may taong in-love
6. may taong masaya
7. may taong walang alam
8. may taong meron palang alam

alin ka dito?

---------------

kinailangan ko maglagay ng pusa sa sako para maligaw ito...metaphor lang mga kaibigan...baka kung sino makabasa, basta pag nakuha nyo concept yun na yun. isa akong masamang tao (ching ching! +1 sa taas)

napanood ko narin ang Memoirs of a Geisha. (oo nga pala, hindi ko nabasa ang libro)

maayos kahit papano...may mga mukhang broadway ang feeling...palibhasa taga Moulin Rouge(Chicago pala...salamat kay marvs) ang nag-direct nito.

hindi ko naalala pangalan nila...si Michelle Yeoh lang. maganda ang kimono...maganda ang mga abaniko...maganda ang batang bida...kulay green ang mata! pakshet

ayaw ko magbigay ng review...sa kadahilanang malamig sa robinson's ermita-padre faura whatever... hindi ako masyadong nakikinig (wushuuuuuuu! palibhasa nahirapan sa pakikinig ng dialogue dahil barok at ipit ang mga boses ng tauhan)

punong-puno ng landi ang palabas...flirt101 ang magiging course code nito pag tinuro sa csb. tuturuan ka din nito pano magsunog ng bahay at magdumi ng damit sa pamamagitan ng ballpen. (fine! japanese brush...pakialamero mga tao eh hahahaha)

pedophile si chairman (ken watanabe...ayun may kilala pa akong isa) naisip ko lang na nagkakilala lang sila ni... whoever she is nung bata pa sya...imagine 9 years na bata tapos si chairman naman ay ilagay natin sa 27 (wow! 1/3 ng age). lumaki ang bata na hinahangad ang pag-ibig ni chairman (hahaha parang si bayani fernando iniisip ko) dumating ang panahon na naging geisha ang loka-loka kasama na pati yung mga taong chuva nila (ayan reg! may +1 na sa count); ilagay natin ito sa 25.

halika at bilangin natin... 25-9=16. labing-apat na taon ang nakalipas. idagdag ito sa edad ni chairman. 27+16=43...huwaw! is that you lolo? hahaha exag ako. mid-life crisis na ang matanda! well...si dolphy nga 70+ na kumakasa parin wahahaha

pero ang highlight ng palabas eh nung malapit na sa katapusan.

may sinasabi ni chairman kay geisha...nung sasabihin na nya ang kailangan sabihin, may sumanib yata sa audioman sa robinsons cinema at naplay ang audio ng trailer. pumatong ito sa video...thus parang commercial

"perhaps...[insert drum roll here o kaya introduction ng dolby surround sound]" putangina! panira ng moment. malamig na nga ang sinehan at yun na lang ang magpapakilig tapos lalagyan pa ng "humankind was blah blah blah"

umuwi ako at kumain sa jollibee taft pagkatapos ng lahat

-------------

sadyang ginulo ng mga espiritu ang utak ko kanina...hindi nangyari at sana eh dati pa tapos na
kailangan pa ba sabihin? wag na... para nakatago na lang ito. sino mangengealam?

-------------

Quote:
is it malamig enough for me to wear a jacket?

Posted by mikhailnovich at 03:42 PM | 8 bored...

February 23rd, 2006

kapangyarihan

ika nga ni HE-MAN defender of the universe...I HAVE THE POWER!

bihira lang sa tao ang hindi nabubulag 'pag nabigyan na ng opurtunidad na makataas sa iba.

ika nga si Saruman (LOTR) "no one can resist the power of the Dark Lord Sauron" or ni Count Dooku o ng Emperor Palpatin o Darth Vader "give in to the dark side" with matching pagwasiwas ng kanyang lightsaber at pagtira ng force lightning sa mga kalaban.

-------------

siguro nga twisted at sadyang pabaliktad ang ikot ng hangin at gravity sa cerebrum at cerebellum ko

baka sakaling ang nagawa ko eh isang defense mechanism o paraan para mang-iwan.

i wouldn't say sorry...kasalanan na kung kasalanan

may mga bagay na hindi ko alam... o hindi ko lang pinapansin? ayoko ng ganun. parang awa na binibigay sa ibang tao... na hindi naman dapat ayon sa isa kong guro dahil ang nagagawa lang nito ay paglalagay lalo ng iba sa ilalim...

bakit kita kailangan kaawaan? sino ba ako...hindi ako ang diyos... suporta ang ibibigay ko sayo hindi awa

tawagin mo na ako ng tyrant...walang awa...bastardo...basta alam kong tama naman yun

-------------

Quote:
"mga bata... halina at maghubad na tayo"
pinagtawanan namin dahil nagsasalitang parang si Kiko Matsing si Santi kanina

Posted by mikhailnovich at 04:55 PM | 4 bored...

February 24th, 2006

kubeta

10am na ako nagising....

nagsimula pala ang gulo kanina 330am; kung kelan ako nagsimulang matulog.

wala tuloy pasok. hindi rin ako makapunta ng makati dahil andun ang rally na nanggaling sa edsa.

nakatunganga na lang sa bahay nanonood ng paulit ulit na tanong kung ano ang ibig sabihin ng "state of emergency" ekek lahat ng tao kinausap na nila. kulang na lang pati driver tanungin kung ano state of emergency. (ako! may kinalaman ako sa gulo!!! gusto kong patayin si gloria makapal-ayoko) hahahaha

basta halatang may tinatago ang palasyo. under control na daw pero ang daming sundalo...baka birthday ni mikey arroyo tapos kailangan nila ng mauutusang maghugas ng pinggan since ang mga katulong eh pinauwi dahil nga may coup.

hinihintay ko parin bumaba ang mga taga bundok...yung mga namumula...yung mga...NPA! hahahah nasan ka na joma sison?! tigilan na ang pagweweed sa netherlands. magkakamartial law na kaya ulit? o may bagong himagsikan? magpupunit kaya ulit ng...sedula? resibo o notebook naman ngayon? magkakapit bisig kaya ang samabayan at sasayaw kasabay ng "new york, new york"? hindi ko maalala kung ano talaga yung kanta.

may leftist may ultra rightist...ano pa ba? sadist? masochist? atheist? artist? schindler's list? lahat na ng may ist sa dulo. hahaha

puro na lang coup!!! coup ledesma! atoy coup! coupmander nene! coupbori kikiam! couplangot sa pader! shet

------------

pano kaya ang WWE ngayon? nakakatawa naman...nagwrewrestling sila tapos paglabas nila ng araneta puro patay na tao na tapos bago na agad ang gobyerno ng pilipinas...di malilimutang pangyayari para sa kanila. (go mick foley!!!)

------------

ngayon... naexperience ko na mamatayan ng isang pope, magpalit ng presidente...marami rami na ang unforgettable dates ang places ala pang-slumbook. ano naman kaya susunod? maganda ang lifetime ko ngayon, kung sakaling may martial law naman, grabe the experience. marami na akong makwekwento sa mga magiging anak ko... kung magkakaron man since....

end

-----------

Quote:
"shet...sobrang bored na ko ngayon...sex tayo!"

Posted by mikhailnovich at 02:56 PM | 13 bored...

February 28th, 2006

paru-parong bukid

 may mga pagkakataong inihahambing nila ang tao sa buhay ng isang paru-paro.

mula sa munting simula, na naghihirap mamuhay at papasok sa isang hawla na madalas nakakulong na lang...pero may mga sadyang matapang at palaban...at nakakayanang lagpasan ang lahat ng hirap na dinaranas at lumalabas sa kulungang ito with flying colors.

pero bakit ito ang pinag-uusapan natin?

dahil sa pagkakataong ito, ang mga bumabalot sa sa paligid ko ngayon ay puro na lang pakitang-tao. tila naubos ang mga paru-paro na umaaligid sakin--mga taong totoo at walang pag-aalinlangang gagawin at sasabihin ang gusto nila... tulad nila.... ahem ahem!

kaya napaisip na naman ako. makulay ba talaga ang buhay ko? o pilit lang kinukulayan para hindi maging madilim at nakakapanlulumo. baka katulad lang nito ang pinakamamahal kong tv na black and white lamang(kahit de-kolor naman talaga ito noon pa...malas lang talaga) nagkataon naman na may fuchsia at violet dito...minsan may green narin hahaha lalo na ang  silver

di bale...sasabihin ko rin sayo lahat...pag nagkaroon na ako ng lakas ng loob. ayaw mo nun, glorious!? ika nga ni lola obang at naging titulo narin ng isang pelikula "BIG TIME!"

wala na naman pinatutunguhan ang nasusulat ko dito..mga patapong methapors na kakaunti na lang ang nakakaintindi. eh well! sadyang mababa ang kalidad ng mga utak ng tao :p (ano ba yan... nang-away pa!)

---------------

Quote:
"si PEPE ang first kiss ko... hoy tao yun ha!"
pota...hindi makahinga si carmina villaroel nung narinig ito mula kay IC MENDOZA...dating child star ngayon girlalu na. gets nyo na siguro kung bakit natawa

Posted by mikhailnovich at 03:47 PM | 6 bored...

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links