Entries for January, 2006

January 2nd, 2006

plus minus

nagsisitabaan ang mga tao.
and guess what, it's the first time i gained weight during vacation.
5 POUNDS! mukhang hindi obvious pero shet... kain kasi nang kain. (parang ngayon, still munching on pizza slices)

sa wednesday, pasukan na. eck...parang hindi ko parin naramdaman ang bagong taon:

(since hindi namin naantabayanan ang countdown kahapon; kasi Nakatutok kami sa channel7, sabi nila 2 minutes na lang daw...tapos sa channel2 10 minutes pa. Pagbalik ko ng kapuso foundation nagpuputukan na...potah, edi bumalik nalang  kami sa channel2...aba! nagputukan narin!. Aba nga naman, 10 minuto para maglipat ng channel 2-7? tsk tsk kaya nagsisisigaw na lang habang hinahampas ang mga nagbabaguhang mga kaldero sa hapag.

-------

kahapon galing kaming paranaque. naglasing si father dear... tapos inaway pa ni mother nature kasi nga uminom eh magdridrive pa. kaya nagyaya muna ako sa MCDO para kumain at mahimasmasan si amang. And it was the first time na nagkaron ng tribal council. biglang nagsabi si tatang  tungkol sa lovestory nila ni mamang (palibhasa lasing) tawa kami ng tawa sa MCDO, deadma to the people looking at us...full of handsomeness daw ako eh hahahaha

ayun! lahat daw ng manliligaw sa aking Sister the Slasher ay dapat kikilalanin ko muna... bahala na daw ako kung pano. Tapos enter the ultimatum. Magkakaboyfriend lang  ang aking sister the slasher kung may girlfriend na ako (obviously hindi nila kilala ang malaking X dati hahaha) kaya emote to the max alvarado si slasher

dumaan kami ng islandcove. nanlibre si pappi. nagkayayaan ng inuman within the familia. kumuha sila ng sanMigLight... kami ni slasher? VODKA ICE! magsawa...sky's the langit ehehehe

tapos sa lahat ng makikita doon... si Bakero pa (codename ito, baka may makabasang maglalaglag hehehe--flashback: isa sya sa nanligaw sa X.) hahahaha

sarap gawan ng screenplay ang lovestory nila mother nature...tribute kumbaga

pati siguro yung slasher gawan ko na rin hehehe

--------

Quote:
"yung kaibigan ko, pinupunit ang pera para hindi daw magastos"
-
Lyka (some person sa paranque)

ewan ko kung anong panahon to pinanganak...kahit si bonifacio na nagpupunit ng sedula hindi sasang-ayon dito hahaha

Posted by mikhailnovich at 01:58 PM | 15 bored...

January 6th, 2006

Shake, Rattle and Laugh until you Die

i left my CANIM-2 (3d animation) class early. nagkayayaan kasi pumunta ng glorietta para suportahan ang MMFF bago man lang ito matapos. sinabi ni Love na panoorin namin ang Shake, Rattle and Roll para daw i-relive ang 90's. Horror ito :p

ay nako! (spoiler ito para sa hindi pa nakapanood) at para sa nakakaintindi ng VIDEO lang itong review :p i'll try my best to become bobo-friendly...joke! tsaka patawad sa mga tao kung maisip nyo na medyo mapang-alipusta ang entry na'to... ika nga nila OKRAY

nasayang ang pera ko! hehehehe

Part I - POSO

Si Rainier, smiling parin ang talent... story-wise? pathetic... edit-wise? MAS PATHETIC... ang daming jumpcuts at walang continuity. Patawa ang storyng ito.... tapos yung 3d effects nya, parang kagagawa ko lang nun kanina sa class bago ako pumasok. nakakatawa.

may part dun na hahampasin si Ai Ai ng bato...di namin ma-gets kasi biglang lumapit si Yasmine(?)...akala namin itutulak para iligtas...pero lumapit lang sya...tapos...tapos na...lumapit lang sya hahahaha! sumama lang sa scene.tapos after ng kaguluhan...bigla na lang naglambingan silang dalawa ni Rainier...ewan, pinilit lagyan ng romance.

Part II - Aquarium

dapat ang title nito ay MELON...kasi halos buong pelikula, focal point ang BOOBS ni Ara Mina...grabe! ewan ko lang kung malisyoso ako pero lahat naman ng tao sa sinehan ay napansin yun. DEDE dito...DEDE doon...DEDE everywhere! Framing composition? halos maubos ang HEAD ROOM para lang magkaron ng BREAST ROOM. hahahahaha

tapos yung dialogue nila...parang Bubble Gang... sumakto pa dahil si Ara Mina at Ogie Alcasid ang artista...sobrang nakakatawa...tapos may bold star pang extra hahahaha

Part III - Lihim ng San Joaquin

eto MEDYO matino...magaganda ang framing composition...pero may mga jumpcuts parin...from naglalakad sa kapatagan mapupunta sa ilog tapos biglang nasa loob na ng gubat...meron scene na kainan bigla na lang bahay...obvious yung cut. Astig yung mga tao doon. Naging patawa na lang kasi nagmukha naman syang action movie...isipin nating si Panday ang naging role ni Mark Anthony Fernandez... tapos maayos na sana tapos nilagyan pa nila ng special fx sa dulo...pampasira tapos hindi realistic...kasi si Tanya Garcia doon ay buntis-imagine kabuwanan na nya, parang isang gulat mo lang lalabas na ang sanggol...nagtatatakbo sya dun sa gitna ng ferngully hehehe ng kagubatan na bato-bato...hindi man lang dinugo hahaha hindi realistic

mas magaganda pa ang ginawa sa VIDEOPR namin kahit 5 mins lang yung mga yun... gusto ko tuloy gumawa ng 3part movie din para masabi kong puro chuva lang ang ginawa ng Regal Films sa shake, rattle and roll...

naisip namin na baka kaya poor ang effects nito dahil binuhos lahat sa MULANGAW ang pera.

-----------------

Definition of Terms:

chuva - anything...parang fill in the blank ito... synomous din sa chenes, ceverly, chenilu, chuvalu (and the evolution goes on) anik-anik, mga bagay, "yung ano" halimbawa

"nakita nyo ba itong mga...chuvang ito? ang tawag dito ay barn doors"
- Lai Rallos

"ang dami namang mga chuva nito!"
- Jaja

jumpcut - maling edit na kung nasa isalugar ka tapos teleport ka na lang sa next scene ....biglaan na lang kumbaga halimbawa

I. INT. SALA. UMAGA

papunta si Asiana sa pinto ng bahay

Cut to

II. EXT. KANTO. UMAGA

tumatakbo sya kasi hinabol sya ng aso

gets? hindi man lang nakitang lumabas ng pinto...o saan nanggaling ang aso 

continuity - ang pagiging continuous ng mga items o mga pangyayari sa eksena (?) halimbawa

I. EXT. PAARALAN. GABI

sinugod ni Eugenio si Merly. Binaril nya ito sa ulo. sabog ang utak ni merly sa lupa.

Eugenio
tangna ka Merly! inubos mo ang taho!

patakbong lalapit si Mabini para pigilan si Eugenio...
makikita natin nakahiga si Merly sa lupa... dumudugo ang tiyan

gets? hindi talaga ito ang nakalagay sa screenplay pero minsan nalilimutan sa props kung saan binaril kung saan na lang nilagay ang dugo...thinking na hindi mahahalata ng viewers ang pagkakamali.

------------

Siguro sa sobrang MMA-ic namin kanina...muntik pang gumawa ng eksena si love sa glorietta

I. EXT. G4. GABI

palakad papalayo sila Yuggy, Mito at Marvs nang biglang may narinig silang sumisigaw

LOVE
yuuuuuuuuuuuugggggggggy! teka lang!

lilingon sila Mito ay makikitang tumatakbo ang isang Hapon... nag-swa-sway ang arms habang nililipad ng hangin ang kanyang palda.

hahahaha

napapansin ko lang na parang ang hahaba ng mga posts ko recently... hahaha

----------

Quote:
"Anak, wag kang matakot...uupakan namin ang mga monsters na tatakot sayo"
- Ara Mina

Posted by mikhailnovich at 05:33 PM | 21 bored...

January 9th, 2006

Malaking Movie Fucking Festival

hindi ko napanood ang awards night... hindi ko tuloy alam kung sino ang lahat ng nanalo. nakakatawa lang na ang dami na namang "dinaya" sa festival noong isang araw. (pag natalo...laging nadadaya...sourgraping...sour talaga...talo pa ang datu puti)

nagtatalak si annabelle rama kung bakit ang anak nyang star o ang Graded "A" na pelikulang MULANGAW eh hindi nanalo ng isang award. hindi raw binigyan ni mother lily ng sapat na suporta ang palabas na parang pinagkabit kabit na fantaseryes ng channel7...(hindi ko talaga alam kung bakit ito nakakuha ng A...kahit sabihin nating iba ang panlasa ng mga hurado...grabe naman sila. if i'm not mistaken, kahit ang "Can this be love" ay Graded A--kalevel ng Tanging Yaman.... laboness!hindi ko talaga alam ang pamantayan ng pagbibigay ng ratings) inaway pa nya ang ibang palabas dahil bakit daw nananalo ang isang pelikulang 5Million lang ang budget samantalang ang pelikula ng anak nyang may kakambal na bading ay gumasta ng nMillion pesos...(where n is a real number >10) Patok na patok daw ang pelikula ng kanyang anak...nakakatawa lang na yung GMA Films eh hindi nagrereklamo whatsoever

hoy annabellelunbalulan... ang pagdadalaga ni maximo oliveros nga 500K pesos lang award winning. abnoy ka anabellebelle

next!

mother lily shouts "thee eee anfer!" (chinee accent gets :p) dahil bakit hindi daw si Joel Lamangan ang nanalong best director... last year pa sya, noong panahon pa ni Cesar Montano sa "Panaghoy sa Suba" ...or "panghoy sa suba" (ika nga ni yasmien kurdi....hahahhaa) kung sila (Blue Moon)daw ang Best Story, Best Screenplay(which i think is the Palanca awardee kaya adopted na--tapos hindi pala ito nakakuha ng kahit anong rating sa Cinema Evaluation Board) at Best Picture. ano daw ang pamantayan at nanalo si friend Jose Javier Reyes.

unfair? hindi ba nya muna tinignan sarili nya... 5 hawak nyang pelikula... unfair? pano naman yung ibang producer na gusto mag...produce? sakim! ganid! binibigyan mo ng pangit na mukha ang mga chinese. tapos tatakutin pa nya na kung mananatiling ganito ang lakaran ng MangMarioFishingFrenzy eh hindi na sya sasali...parang biglang gusto ko na lang manatiling corrupted (daw) ang nasabing award giving bodacious body para lang mawala na si Mother Lily Monteverdemonic.

pero...

bakit nga ganun ang MultiMagicFreedomFurniture? lagi na lang controversial ang desisyons. mula sa naalala kong pagkapanalo ng Yamashita : The Tiger's Treasure over Bagong Buwan up to todays' Gatpuno Award given to Kutob... tapos may rule daw na 2 films per producer with the second film ay hati na...pero kita naman nating hawak ni mother lily ang kalahati ng entries...

pwede ko nga iqoute si Joel Lamangan, na kailangan nga palitan ang mga ancient/historic judges ng MultiMediaFriendsForever dahil ano pa ba ang alam nila.... (with having Wilson Cheng as one of the jury choosing whomever should win the Filipino Cultural Award...chinese sya diba? hmmm baka akala nya slahers ang mga pilipino kaya cultural hehehehe no offfesive fouls for my fellow chinitos and chinitas) tapos alisin na nila ang MTRCB...dahil sila lang ang nagbibigay ng malisya sa lahat ng bagay...siguro they never got laid hahahhaa

basta ako...gagawa ng sariling pelikulang hindi isasali sa mainstream... wala namang silbi ang award giving bodies sa pilipinas (except Gawad Urian) sa Sundance na lang ako aasa :p

sa susunod na ang comedic entry. nanghihinayang lang talaga ako

---------

Quote:
"we only think it's unfair if it's only unfair to us"

Posted by mikhailnovich at 03:59 PM | 6 bored...

January 10th, 2006

people are people

may mga tao na iisipin nating iba sa nakararami...
yun pala, pagdating sa dulo...pare-pareho din pala sila.

individuality my ass...

basta pag * na ang pinaguusapan...walang mali...laging tama (labo.) hay nako, isa na namang entryng sobrang nakatago sa anino ng walang katuturan.

------------------

special treatment...magsawa kayo hanggang sa sumabog ang aeorta(?) nyo

ano kaya ang feeling mahulog mula sa isang mataas na gusali... yung hindi ka na talaga makakaahon mula sa pagkakatapon... eh?!

------------------

may mga bagay na nangyari na hindi dapat...pero nangyari dahil ginusto ko...so? masama ako pagdating sa huli.... harharhar

------------------

Quote:
"LUHOD!"

Posted by mikhailnovich at 03:56 PM | 14 bored...

January 12th, 2006

as the story goes...

ang hirap talaga gumawa ng story and a screenplay ng isang erotica. ang hirap mag-imagine and then put them into words... magiging makasalanan pa ako.

it's hard to write them in a way that it is erotic but not x-rated or pornopgraphic; from the choice of words to the act that they should be doing.

pero hindi ako nawawalan ng loob...ito ay isang pagsubok para sa akin, kahit papano, pagnatapos ko ito, pwede na akong bansagang "Pinakabatang Pornographer ng Pilipinas" aagawin ko na kay Jose Javier Reyes ang trono.

kung titignan ko ang kabuuan ng dapat ay natapos ko na noon pa, 3 screenplay ang dapat tapusin... mula sa storya ng babaeng araw-araw namamatay hanggang sa drama ng isang lalakeng binalikan ang kanyang nakaraan hanggang sa isang mainit at mapusok na tagpo sa isang magsasarang kainan.

tuluyan ko na bang tatahakin ang landas ng pagiging isang manunulat? isang scriptwriter?

ito ba ay isang paraan para mailabas ko na lang ang mga hinaing at galit ko sa lahat ng taong nakapaligid sakin at isaboy sa nakararami ang naturang pilosopiya ng aking buhay? nakakatakot...dahil 4 sa 10 manunulat daw ang magtatangkang magpatiwakal minsan sa buhay nila...ayon daw sa isang saliksik na ginawa sa Amerika tungkol sa mga manunulat.

balang araw ay mababatid ko rin kung ano ba talaga ang aking gusto makamit

--------------------

kanina...nakita ko syang nakangiti...wala na akong pakialam...

--------------------

Quote:
"bakit ganun yung dighay mo...parang galing sa loob?"
-
Love (aba nga naman... alangan galing sa labas ng tao...nakakatakot yun)

Posted by mikhailnovich at 02:54 PM | 25 bored...

January 15th, 2006

nagmamahalan na...ang mga bilihin

ang nakalipas na sabado ang isa sa mga pinakawalang kwentang araw ng buhay ko. naghintay ako sa wala... sa sobrang asar, bumili ako ng yellow cab pagdating namin (Luigi, Love, Yuggy) sa aking bahay na kahoy.

**bago nun... naglinis ang BPC (Benildean Press Corps) ng kanilang tanggapan... dumaan lang ako para bumati sa mga tao...hanggang sa puntong tumunganga na lang ako doon; habang kumakain ng wendy's. nakakatuwa...mas marami na akong nakakausap sa BPC...dumadami na naman ang mga koneksyon ko. kinakatakot ko na lang ang...

-----------------------

may planner na ako! in your face Starbucks! GONUTS DONUTS ang binili ko. :p kaya pinauwi ko na lang sa mga tao yung sobrang donut kasi masasawi na ako pagkatapos ng isang buwan sa sakit na diabetes.

-----------------------

nung isang araw...kakaiba na naman ang aking naramdaman... nakangiti ako. basta! walang makakarelate

-----------------------

at ngayon, napaaga ang pagmamahal ng mga tao sa paligid... nagmamahalan na ang mga bilihin, nagmamahalan din ang mga tao. para sakin? hmmm... mahal ang tshirt sa girbaud. YUN LANG! hahaha

pero may hinihintay ako...hindi para sakin, pero sa dalawang taong kilala ko (marami-rami sila ah...hmmm)nararamdaman ko na... malapit na... abangan :p gusto nyo ng clue? (hindi ko parin alam ang tagalog nito)

*hoy ikaw taong ikaw... kung magtatahi ako ng kwento mula sa nangyayari, nakabuo na ako ng isang malaking kumot na may pangalan nyo pa. try to be more...sensitive

-----------------------

ngayon may dilemma narin ako. hindi ko ito ikwekwento dahil walang makakaintindi. magulo...pero masaya hahaha

paalam

try ko na nga ulit magbasa ng tarot...

*updated

haaay...ang lungkot sa bahay. wala paring net! nagbasa na ako ng tarot; tinignan ko kung ano meron ngayon... aba... kung ano mismo yung dilemma, yun ang nilabas. so hindi nakatulong. kaasar talaga pag babasahan ang sarili, walang nangyayari.

kailangan ko to pagisipang mabuti

-----------------------

ang pc na ito...ay sa isang tindahan malapit sakin. kaya hindi ako magrereply hangga't hindi pa naayos ang linya ng telepono sa bahay. putangina (magalit ba daw?!)

-----------------------

Quote:
"madadapa lang ako sa panahong alam ko na may sasalo na sakin..."

Posted by mikhailnovich at 11:27 AM | 18 bored...

January 16th, 2006

matangkad ako sa kanya

kaninang umaga:

kinailangan ko nang umalis ng bahay kasi may kailangan pa ako kausapin sa registrar tungkol sa populasyon ng mga estudyanteng magtatapos para sa taong ito.

paglabas ko ng bahay, ang daming sasakyang pinalilipat ng ruta. NO ENTRY...ang nakalagay sa kalsada. May helicopter na umiikot sa mayapis. (street namin) naglalakad ako papalabas ng mapansin kong dumarami na ang tao. may mga taga media pa...ibc13,gma7,abscbn2,rpn9, pati narin ptv4. iniisip ko baka si Mayor Jejomar Binay ang kinakausap nila sa kadahilanang may relocation ng mga squatter malapit sa riles ng tren. tumungo ako sa gitna ng madla...iniisip na baka makakadaan ako para makatawid sa kabilang kalsada.

naglalakad ako...at nagmura

"tangina, shet... ang daming tao...pano ba ako dadaan dito?!"

paglingon ko...hindi ko napansin, pati narin siguro ng mga tao... KATABI KO SI PGMA! (president gloria macapagal-arroyo) natigilan ako... (marahil gumagawa ng ganda points para hindi magalit ang mga taga makati sa kanya)

tumaas ang presyon ng dugo ko... dalawang bagay lang ang naglaro sa isip ko

a. sasaksakin ko na ba sya sa leeg para mabigyan ng katarungan ang mga niloko nyang mga pilipino o

b. kumaway sa mga videocam...nangangarap na makita ako sa telebisyon...kahit tanghaling tapat, tuwing BREAKING NEWS sa gitna ng mga patalastas ng mga nagbabanggaang mga channels
.

hindi ko man lang naisip agad na pumasok ng pamantasan dahil nabigla nga ako at nasa tabi ko ang munting babaeng may malaking pangarap umabot ang kanyang termino hanggang 2010. pwede ko na sya sakalin talaga...ganun kalapit. o kaya, pwede ko sya yakapin sabay labas ng camera, sasabihin sa kanya "madam! smile!" hahahaha

ano kaya ang mangyayari sa pilipinas kung nangyari yun? ano kaya ang mangyayari sakin kung nangyari yun? babarilin ba ako ng PSG (personal security guards hahaha)  o huhulihin nila ako para malaman kung sino ang sangkot sa pagpaslang ng nunal na nagkatawang tao. magiging MAN of the Year kaya ako ng TIME MAGAZINE? dudumugin kaya ako ng media at kakapanayamin para malamang ang aking paboritong kulay? magkakaron kaya ako ng guesting sa WOWOWEE? haha and the list continues...

isipin nyo...hinarang ng mga sundalo ang mga pulubi...hindi talaga nila ako napansin na tumatabi sa presidente ng mga unano fans club :p

-----------------------

natawa din ako kasi may isang poor looking person...na sa tingin ko ang taga-riles...na naglabas ng digicam. hahahaha asenso talaga ang mga dukha ng pilipinas.

-----------------------

siguro kung may makakabasa nito na deboto ng nabanggit na presidente... bukas makalawa... nasa NBI na ako... at kinakausap na mga tiwaling agents :p

or... baka may lalapit sakin na taga NPA o mga vigilante...o kahit ang OPOSITION... gagawing asset :p para sa ipinaplanong pagpaslang, pagpatay, pagkitil sa buhay ng taong sumira sa pangarap ng mga pilipino.

di bale...sa susunod na pagkakataon... magpapakabayani na ako. hindi bayani casimiro (prinsipe k) o bayani agbayani (ok fine whatever) o bayani fernando (MMDA) ha hahaha baduy!

-----------------------

Quote:
"kailangan ko kayo...para maitatag ang strong republic...noh?"

Posted by mikhailnovich at 03:38 PM | 4 bored...

January 18th, 2006

Mahal parin ang bilihin

January 18 palang nagsesenti na agad ang mga tao. Naghahanapan na sila agad ng kasama para sa LOVAPALOOZA, makikipag-halikan hanggang sa hindi makahinga ang mga tao pagdating ng Feb.13

ayan... lahat ng tao nagsasabi tungkol sa pag-ibig at pagmamahal at sex. ano bang pake ko dyan? kailangan ko pa ba ang araw na yan para maihayag ko ang nararamdaman ko sa isang/dalawa/tatlo (hahaha) tao na espesyal sa buhay ko.

pwede ko namang sabihin agad ang "I LOVE YOU" kahit kelan ko gusto (parang palabas ni Jimmy Santos dati--I LOVE YOU THREE TIMES A DAY)...hanggat totoo at wagas(shet!) ang nasa puso ko.

pero gaya parin ng sasabihin ko, ang bagay na ito ay hindi ko na nababanggit ulit ng maraming taon...maliban sa perang nasa pitaka ko at sa aking computer, ang "pagmamamahal" ay angkop na lamang sa mga bilihin sa pilipinas ngayong panahong ito.

ang daming nang problema ng mundo pati ba naman ang tumitibok sa dibdib natin? kumain na lang kayo ng chicharon kung gusto ko sumakit ang puso nyo. kaysa pa sa mga taong na ang dali ka lang papalitan para mas bata, mas sariwa,
at mas mayaman sayo
(basing from pinoy films ito ha...not from real experience)

hmmm story? "behind this man...is a woman...and behind this woman...another man" hmmmmmmm kwento ng pagtataksil at kamunduhan... pwede!

------------------------

nagkaron ng seminar kanina. speaker namin ay galing sa McCann-Erickson...shet! hindi ako nakikinig...tinignan ko lang yung ibang gawa nya...tapos humingi na agad ako ng callling card. contact na naman ito!

------------------------

ang bahay ko ngayon...pwede na magshoot ng Mulalalulawin... yung isang kwarto ko...may blue screen, yung kusina naman green screen na... astig! CSB, in your face! hindi ko na kailangan magpareserve sa inyo.

------------------------ 

Quote:
"hi...bastos ako" hahaha yung unang phrase na sinabi ko for the exercise/presentation dun sa seminar ng speaker...kailangan daw kasi, less words, great impact hahahaha

Posted by mikhailnovich at 07:46 AM | 7 bored...

January 19th, 2006

talaga lang ha...

and who said i'm bitter? at kanino ako magiging bitter? i have ....., ....., and ..... tsk tsk

sorry if i seem bitchy and rude... ganun talaga eh... just wanted to make people shut up :p hehehe nang-aaway ako. sorry

-------------------------

let us bring back history...click this
hahaha 

------------------------

or... sige! bitter ako... at least hindi ako nagmamadali...in love sa pagmamahal hindi sa mismong taong kanilang "minamahal"...

------------------------

buti na lang wala parin akong net sa bahay. wala akong makakausap mamaya. and wow... this is a short entry compared to the others; in english too!

------------------------ 

Quote:
"hindi ka nya napapatawa...pero napapasaya  ka nya"

Posted by mikhailnovich at 11:06 AM | read!

viva sadista!

sige...

kukunin ko ang isang pahayag sa isang laro, "combat...in all it's finest, is a good way to know the totality of a person. this removes the all restrictions... wherein you will learn the morals and the perspective of anyone" parang ganun...

isabay ito sa salitang GALIT. gaya nga ng dati...malalaman natin kung ano ang saloobin ng isang tao pag sya ay galit, dahil dito... inaalis nya lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya...mga bagay na humahadlang para masabi ang kanyang nararamdaman... atbp.

sa isang taong GALIT mo malalaman kung nagsasabi sya ng totoo.

hindi masama ang magalit....ilalagay lang ito sa tamang lugar, at magiging malusog ang buhay mo. sa sanhi na hindi maihayag ang mga kinikimkim, nahihirapan ang isang tao para makisalamuha sa iba...

may kilala akong hindi na alam kung ano ang pakiramdam ng nagagalit... yung totoong galit... dahil parang araw-araw ang naiirita sya...

-----------------------

sa GALIT din natin malalaman kung tunay at hindi katarantaduhan ang mga tao sa paligid natin... naalala ko nung sinabi ko sa isang kakilala, "nalalaman ko kung tunay na kaibigan ang isang tao...kung nag-away na kami... tapos nagkaayos..." marahil ibabato ang argumento ng "NABASAG NA PASO" na kahit gaano mo ayusin...ay may lamat parin. pero hindi ba mas matibay ang pagsasamahan kung alam mo kung hanggang saan makakaya ng isang tao ang kanyang nararamdaman? pero ibang usapan naman kung ang pinagawayan ay yung tipong hindi talaga karapat-dapat patawarin.

ewan...hindi matino ang pagkakaayos ng salaysay ko tungkol sa bagay na dati ko pa kasama. bihira lang kasi ako magpahayag ng mga pilosopiya ng buhay ko. mula sa pananaw at paniniwala sa relihiyon, kasarian, gobyerno, pananalapi, pagpapakitang-tao, pang-aaway, pang-aapi, pagtitiwala sa sarili at sa iba, at ang pagkakapantay-pantay ng babae't lalake.

--------------------

eto na lang ang kakaiba... natutuwa ako pag may nagagalit...hindi ko alam...pero totoo yun...sadista.  andito rin yung puntong mang-aasar ako hanggang sa dumating ang pagkakataong magagalit ka sakin...at mumurahin mo na ako... iba ang pakiramdam...kakaibang pakiramdam....masokista

hanggang dito na lang... sa susunod ko na tatalakayin ang bagay tungkol sa TRUST...hindi yung condom...kundi PAGTIWALA

teaser? "HINDI NAMAN LAHAT NG BAGAY SINASABI KO SA ISANG KAIBIGAN"

paalam at maraming salamat sa pagbabasa

--------------------

Quote:
"galit ako...hindi lang halata..."
- pwede...kahit papano hindi mahuhuli :p kaso buking ko parin

Posted by mikhailnovich at 04:26 PM | 9 bored...

January 21st, 2006

career high... parang ako...high

12 yosi sa loob ng dalawang oras--huwebes
13 naman pagsapit ng viernes;
career high na ito...

at parang utak ko ngayon--napapanis,
sabayan pa natin ng pagkainis;
lokohan na yata to...

nagagalit ako, hindi lang halata,
naaasar ako, mukha lang masaya,
naiinis ako, pero nakangiti pa pala.

nagsuot ng pink, nagmukhang bakla,
tinawanan na lang ang buong madla,
mamaya, titiyaking may luluha.

kung sabagay, tao lang ako;
marunong matuwa, marunong masuya...
at dahil tao lang ako;
kaibigan, mag-ingat ka...nambabackstab din ako

--------------------------

hmmm....hmmm...hmmm.....ham? iisipin ko na lang HAM yan.

andito ako sa klase ngayon, gumagawa ng sukat para sa isang silid... tanggapan yata ito, ipapasa bilang isang proyekto sa BASICAD (Basic Computer Aided Design--para sa mga kumukuha ng kursong Arkitektura...at tulad namin, Multimedia Arts)

kaklase ko pala ang isang kakilala... halata tuloy na hindi ko pianapasukan ang klase ko. ngayon, nakakatamad ang lahat ng nangyayari, may katabi pa akong bingi...nakakatakot ako, habang nahihilo hehehehe

may bata kahapon na naglalaro ng House of The Dead 4, tinalo kami... wagi sya... pinagtulungan namin ni Marvs(G&W) patayin ang isang halimaw habang ang naturang bata ay tinalo ito ng mag-isa... walang continue. mula sa malayo, nakita namin ni Johnny(BPC) na nilapitan ito ng isang babae--nanay nya. Iniisip namin na baka sasawayin nya ito... pero sa hindi inaasahang mumbo-jumbo, ngumiti ang ina... at parang natutuwa pa habang ang anak nya ay rumaratrat ng mga peklat na nagkatawang tao. *insert dubbing "Mommy! look oh... im killing monsters!" "Oh no my child...that's not the way to kill mumu... let me show you" hahahahaha

parang ayoko tuloy maging kaibigan ng aking nakababatang kapatid ang TRIGGER-HAPPY na batang tuwang tuwa mamaril ng mga naglalakad na bangkay.

ganyan na ba ka...liberal? nasaan na ang walang kupas na PARENTAL GUIDANCE? hahaha nabilib ako sa bata...at natakot kasabay nun... ano kaya ang pangarap ng munting chikiting?

--------------------------

Quote:
"piso bawat mani...." yun pala...PISO bawat mali... hahaha

Posted by mikhailnovich at 02:46 AM | 6 bored...

January 22nd, 2006

hinahalughog ang gamit
hinahanap ang bag
wala sa sarili, alaala'y nawawala
tinawag mo ako; ika'y nakangiti
nalimutan ang pagkairita
kinalimutan na sila

*

para sa mukha
charming ang nababagay.
tingin sa akin;
tuwa ang feeling,
titig lang ang gagawin
hanggang matunaw.

*

nung una sabi mo sandali lng
tapos ang tagal mo nang nawala.
nakatayo ako sa tindahan,
iniisip kung bibilhan kita
iniisip kung babalikan pa.
hindi naman na ako umaasa
sapagkat maggagabi na pala.
nagtext ka bigla, sabi mo
"teka,
"dito ako highway traffic kasi...
may dinaanan lang akong project"
'di ko alam kung dapat magreply,
suko naman ako at sinabi,
     
"kahit saan ikaw ay mapunta,
      dito lang ako maghihintay pa."

--------------------

ayan! free verse, haiku at sonnet in one entry. wala kasi akong mapost. tignan nyo na lang kung tungkol saan ang topic

no quote? syempre meron...

"mostly nag-improve yung aking right hands..." ano? right hands? ang dmi naman nun hahhhaha
- Manny Pacquiao (congrats nga pala...bukas na ako post ng aking pagkatuwa sa ating singing gold medal boxer)

Posted by mikhailnovich at 05:10 PM | 29 bored...

January 24th, 2006

SURveY

sino mas kiss & tell? babae o lalake?
at bakit? walang sagot na DEPENDE ha... pang-showbiz yun. tska bawal din ang BOTH... kaya nga nakalagay na MAS eh... Masuhin ko magsagot ng ganito.

if you dont know what kiss&tell is... then don't answer :p taray!

---------------

nagbabasa na ulit ako ng Tarot...shet...hihintayin ko na ang malas

Posted by mikhailnovich at 04:11 PM | 18 bored...

January 25th, 2006

evil feeling that is

nakikiuso,
nakikisabay sayo,
naiirita,
naasar na,
yan na ba ang IN ngayon?
tigilan ako!

----------------------

patawad...hindi napigilang mamback-stab. bakit? kanya kanya tayo ng pamamaraan ng sa buhay... pero bigla na lang makikita na iba ay napapagaya? hawa lang ba? o simpleng dahilan na hindi ma-OP at hindi maiwan sa uso... ano kaya?

tapos eto pa... may mga nahihiya DAW...pero kung gumalaw at magsalita... benta na pala ang nasasabi, tapos kunwari for arts' sake...my ass! hahahaha nalagyan tuloy ng english shet

konti lang ang makakaintindi...(maswerte na nga ang makakakuha ng patama)

----------------------

Quote:
"save me...save me from damnation..."
- hahaha sino kaya to?

Posted by mikhailnovich at 07:33 AM | 14 bored...

January 30th, 2006

'sang caramal frappe;
'sang girl ang iniisip,
ninenerbyos na.

-

'di makahinga
at 'di makagulapay,
binabangungot.

'di makagalaw
at 'di pa makadilat,
natatakot.

kung anong meron;
na kasama sa kwarto,
'di natin alam.

-

patawad...medyo binabae ang entry ngayon

enter english chuva **i broke a promise..** back to normal, nag-yosi na naman ako...bakit? bumili ako ng cd para malaro sa aking pinakamamahal na PANDORA--pangalan ng pc ko, tapos hindi gumana! at ninerbyos sa isang venti na caramel frappe na pinaghatian namin ni Love (mind you, hindi girlfriend ito...ito ay palayaw ni Jhosareen Nakagawa...mabuti na ang malinaw kesa mag-issue pa hahaha sa iba sya nakatuon ng pansin) dahil sa coupon na galing sa planner ng starbucks. (oo...kahit minsan, isa akong elitistang burgis)

buti na lang yung cd ng Up Dharma Down (gusto nyo ng copy? belat...bawal hiram! bumili kayo, suportahan ang mga pilipino!)maayos...astig ang mga kanta nila... may sapul sa iniisip ko ngayon.

ang araw na ito ay isa sa mga walang silbing araw sa balat ng buhay ko...kahit 230am palang ay lumalandi (haha parang bakla) na ako hanggang 930pm... wala parin saysay.

wala akong maipapamahagi ngayon, windang ako for the moment... kung hindi alam ang ibig sabihin TORETE (by moonstar 88) hehehe

si kathleen pacao (YB)  may boyfriend na hahahaha ikalat ba daw dito hahaha kiss and tell!

-----------------

Quote:
"kahit tayo'y magkaibigan lang, bumabalik ang lahat sa tuwing magkukulitan" ahem! no comment
- Up Dharma Down

Posted by mikhailnovich at 04:11 PM | 12 bored...

January 31st, 2006

tawa ka ha-ha-ha

Patama:

sadya kayang maraming nominees for best actors and actresses in a drama special ngayon buwan na ito?

ang bagay sa kanila... YEAH! WHATEVER hahaha

talamak din ang paglalandi... doon naman ako guilty hehehe

wag mo akong tuksuhin...at wag mo rin akong ngitian...patulan kita eh hahahaha

at simula ngayon,  may schedule na ang pagiging haliparot/hitad/kangkarot ng mga tao... LUNES,MARTES,MIYERKULES,HUWEBES,BIYERNES... hahaha sino kaya?

Pagtumbling:

hmmm habang umiikot ang mundo kanina, may nagkwento tungkol sa multo...may nagkwento tungkol sa tipo...tuloy parin ang ikot ng mundo.

pumunta ako ng csb mga bandang alas-5 na. binalik ko ang cd na nabili ko...pinapalitan...tapos sinubukan namin sa laptop ni JC (YB) wala kasi yung laptop ni Philip (BPC). hindi parin sya gumana...kaya binalik ko        na ito tapos binigyan nila ako ng ibang laro...

hindi parin gumagana yung binigay nila. naiirita ako lalo hahaha

bagong format na ba ito ng mga entry ko? hmmm maarte lang ako ngayon. nagaartist-artist-an lang mga kaibigan

bukas na din ang pc shop sa 1st floor na aking bahay...hindi na ako pupunta dun sa isang pc shop kung saan nagliliparan ang mga p*ke dahil sa kakasigaw ng mga naglalaro...pwede namang p*ta... pero yun pa talaga hilig nila sabihin...mga sabik siguro

Patatas:

ang blackboard ay green,
wala parin syang sulat
habang nasa class.

-

may tumatawa
sa labas ng bintana.
tawa nang tawa.

may tumatawa,
walang tigil na tawa,
nakakaloko

'tas may kumatok,
nawala na lang bigla...
nagising ako.

Quote:
"malas mo, ikaw ang natipuhan ko"
- Up Dharma Down

Posted by mikhailnovich at 04:42 PM | 14 bored...

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links