kakagaling ko lang ng Banaue Rice Terraces!
GRABE sa EXPERIENCE!
dun ako umupo sa taas ng jeep kasama nila Red, Val, Karen, Mons, Alvin(?), some chinese guy at Lolo Ed Celestino...panalo! alog alog kami sa taas habang nagpipigil ng ihi. Hindi pa natapos dun; may isang daanan na naghampas sakin ng mga halaman. Tawa kami ng tawa...hindi ko namalayan puro tinik na yung kamay ko...dinudugo na pala ako hahahaha tapos umulan pa. Wetness is next to ugliness!
pagdating dun station na kung saan magsisimula na kaming MAGLAKAD, nagsigawan na ang mga tao dahil 3 kilometrong paikot-ikot ala-harry potter at lord of the rings.
pagdating sa INN...iniwan lang ang gamit...tapos pinadirecho agad kami sa waterfalls! another 2 hour walk. ulit na naman sa paikot-ikot na paglalakad habang inaadmire ang gandah ng nature. dun kami mismo dumaan sa terraces. SI Ms Cha gusto nang umiyak...yung iba nakatingin na lang sa kawalan.
astig yung waterfalls! pero grabe parin sa pagbaba, para kaming mga spiderman na umaakyat-baba sa mga jagged rocks na minsan ay umaalog para dagdag thrill sa paglaglag. tapos nung nasa waterfalls na kami, nagtanggalan ng damit ang mga tao, lumusong sa tubig na parang hindi pagod...ayon! nauso ang pulikat. Si Ivan muntik na malunod... hindi pa namin pinapansin ni alex kasi akala namin joke time; pero nung sumigaw na sya, tinawag na namin ang mga iba pang guys sa waterfalls..(hindi ako hero, ang payat ko eh hahaha) gusto kaming kainin ng talon... walang nakalapit kay Ivan, iniisip ko tapos na ang pelikula...tapos pagtingin namin sa gilid nagsilitawan ang mga SUPELOCALS, tumakbo sa tubig na parang akala mo aspalto ang nilalakaran. JESUS CHRIST walks on water kumbaga...ayun yung mga Bioman ang nagligtas kay Ivan habang nagyoyosi yung ibang tao dahil walang mgawa hahaha
ALAM KO NA KUNG ANO NARAMDAMAN NI FRODO sa pagakyat sa Cirith Ungol kasama ang walang kwentang guide na si GOllum. Dahil mula sa waterfalls ay bumalik kami sa Inn...peroyung inutil na guide namin ay dumaan sa shortcut...shortcut to hell! inabot kami ng dilim tapos nawala si "koya" guide...kaya kaming pito (Mutley,Emerson, Jeff, Karen, Mon, etc etc, ako) ay parang Survivor Vanuatu at hinanap pabalik sa Inn. Kung saan saan kami napadpad...ikot dito ikot doon... tapos nagugulat na lang kami pag walang daan at may biglang susulpot na local at sasabihin "not that way" English speaking ang mga igorot! talo pa ako... muntik kami malaglag sa mga bangin pero dahil mahusay kaming tribo, nakabalik kami ng In ng kumpleto.
(habang naglalakd sa shortcut to death, lumilingon kami sa likod para kung sakaling may kasunod kaming ibang group. makkikita sila mula sa malayo na parang mga fireflies na gumagalaw. yung ibang group nag blink blink ng lights na parang morse code...sumasagot na ako sa blinking ng blink din...tapos napaisip ako... HINDI NAMAN AKO MARUNONG MAG MORSE CODE! HAHAHHA)
other memorable stuff:
- ang inuman session kasama ng mga prof habang nanonood ng video ng mga babaeng naka bathing suit sa gitna ng gubat
- ang pag gatecrash namin dun sa kabilang section para maki-inom kasama ni Sir Dave
- ang pagtawa ko hanggang sa makatulog dahil lasing
- ang Inn...walang ilaw! Kandila to the max! parang aalayan ang mga patay.
- ang pagbabayo ni manong...ng palay sa labas ng Inn.
- dinapuan ako ng fireflies...astig! kinda romantic at cinematic kaso katabi ko lalake kaya bigla kaming tumawa
- ang pagtakbo sa gitna ng ulanan habang pabalik sa taas nung pauwi na
- ang pakikipagtawaran sa mga tindera na muntik na kaming isumpa dahil binabarat talaga ni Sir Ed hehehe
- ang paglaglag ni Alex sa bangin at sinalo sya ng mga halaman
- ang pag-usok ng katawan ni Sir Daniel...astig kaya, parang spontaneous combustion...sana hahaha
- ang pagdagan sakin ni Alex dahil hindi nakayang maglakad habang ako'y natutulog sa sahig
- ang pakikipagtawanan sa mga new found friends...yet again
- bumalik na ang boses ko! sa wakas...iniisip nila sobrang tanda ko na at parang hinahalukay at galing sa kaldero ang boses ko
- ang pagkain namin sa hotel...aba nga naman! may hotel pala dun bago sa inn...pahirapan ng buhay to
- ang paglalakad ko na parang sobrang tanda na...pinagtawanan na tuloy ako nila Ms.Dolly at Sir Ed...(kung sino pa talaga ang matatanda)
- AND LAST... ang mismong trip na ito...kahit kasumpa-sumpa ang hirap na dinanas ko, enjoy ako dito at sabi nga ni cookie "something to tell the kids" and i had short time to admire the beauty of nature and feel proud that at least i saw the Banaue Rice Terraces up-close and not just from the books
pictures available at... http://meetoh.multiply.com/photos/album/5
---------
Quote:
"Ok, drink moderately ha...oh eto ang 1 tequila , 1 vodka, 2 red wine, 1 GSM Blue..." moderate pa yan sa lagay na yan....pano na kaya kung hinde hahaha
- Sir Dave
"Magbigay galang sa Birhen...ako ang Lady of the Waterfalls"
- Red (lalake ito...so you know na kung bakit quotable)
"i don't want picture! i want candy!"
- native boy sa native village
"ano kaya ang nararamdaman ng mga puno?"
- mutley
"sir!!!! kadiri kayo..."
- paglingon ni Monica sa likod ng sasakyan...umiihi pala si sir Jun haaha
dami pa! iisipin ko pa...sige na muna pahinga na ako. haba ng post na ito
Currently listening to: Aqua - Turn Back Tme
Currently feeling: fulfilled