Entries for October, 2005

October 1st, 2005

so close (not the movie)

it's so funny how people think they know someone so well and assume that they're already close... so funny it makes me wanna throw up.

mostly, my irritation build up whenever someone "close" would probably say s/he couldn't believe i could do something out of character; for whatever reason, i also feel irritated when this happens to people around me.

napost ko na yata ang tungkol dito dati eh...pero it really "exasperates"(thanks to luigi for the term hahaha) me. don't assume you know everything just because sometimes people tell you personal things that could make you think you are reeeeeaaaaalllyyyy close to them.

from other people's posts...people do change, even for the worst...
so do not act so flabbergasted when you can't seem to accept what i (or any person for that matter) can do

buti pa yung "iba" tanggap agad kung sakaling may magagawang "kakaibang" bagay... unlike you people (hmmm sino kaya to) na sasabihing "ikaw ba yan? or hindi ko akalaing blah blah suck my feet" hahaha shut the fuck up my friend

sucks to be you my friend hahaha

Posted by mikhailnovich at 04:49 PM | 5 bored...

October 3rd, 2005

halik ni hudas

ang matinding topic sa PBB kanina...
halik ni hudas defined is yung binackstab ka or tinraydor ka...basta put judas iscariot in context

azeus! edi kung kasali ako dun eh natapos na ang araw, hindi pa tapos ang pagkwento ko hahahaha

-----------

o baka after this entry sabihin na im taking a stab on people hehehe

depression - something na uso ngayon... pag walang magawa, nadedepress, pag may ginawa, depressed parin. tapos minsan, ok na lahat, pinipilit maging depressed. depressed ba talaga or depress-depressan (haha puro depress  ang words)

bakit? ano ba meron sa depression at parang "trend" ito... kasi nakikita ko sa mga tao na projected ang ganitong emosyon kahit hindi naman kailangan.

ok lang maging malungkot. kahit naman ako nalulungkot (sa palagay ko) kaso hindi mas masaya kung tatawanan mo ang problema mo? sabay isosolve? kasi kung magpapalugmok ka lang sa problema eh, mababaon ka lang sa lungkot...at PAPANGET ka pa. (hehe)

tapos eto pa... ekek depressed ang persons of the philippines, pero pag tinanong mo naman

a. sasabihin "ha?...wala...nalungkot lang ako bigla. pabayaan mo"
b. titigan ka at titingin sa pader/kisame....isang malaking NR! (no reaction para sa hindi makakaintindi)
c. pa-awa epek ang mukha habang mukhang nalugi sa negosyo tapos hihiga na lang

HELLO! lumalabas na fishing ka lang sa tao...magdradrama tapos hindi naman magkwekwento..ano yan?! praktis para sa FAMAS? kaya madalas, ibang bagay ang topic ko rather than dwelling on your so to say depression. Pag malungkot ka, sayo na yun hanggang sa malunod ka, kung gusto mo magshare edi magshare...pero wag mo lang dadamay ang paligid mo kundi aasarin/papasabugin lang kita hanggang sa murahin mo ako (nyahahahaha)
sa ibang tao ka mag-fish...wala kang aasahan sakin hahahah

pano ko nasabi to? kasi sanay na ako sa ganito...tapos na ako sa ganitong stage hahaha

----------

Quote:
"class, ito ang VX2000....ito ang gagamitin natin sa buong term...wag kayo matakot, ito ay BOBO-FRIENDLY"
- Lanie Rallos, prof ko (panalo na naman!)

Posted by mikhailnovich at 04:52 PM | 4 bored...

October 9th, 2005

some survey

100 questions i answered.

1. Full Name: mikael tonio rogacion tubilleja
2. Nick name: mito, daddy
3. Birthday: july 18, 1985
4. Place of Birth: parañaque
5. Zodiac Sign: cancer
6. Male or Female: male
7. Course: AB Multimedia Arts
8. School: don bosco makati, queen of angels learning center, st. anthony's school, rogationist college, dlsu-psi, dls-csb (dami!)
9. Occupation: student, caster, graphic artist, soon to be scriptwriter
10. Residence: makati, cavite, parañaque
11. Screen Name(s): mitochondrion, daddy

[your appearance]
12. Hair Color: black
13. Hair Long or Short: short
14. Eye Color: brown
16. Height: 5`4" (?)
17. Skin Color: lighter than the usual kayumanggi (salamat kay vicky belo...joke!)
18. Shoe Size: not really sure... 8-8.5 
19. Braces?: dati
20. Glasses: YEAH :p
21. Piercings: nah
23. Righty or Lefty: righty.
24. First kiss: AHEM!
25. First B.F/ G.F.: AHEM again...
27. First award?: CONDUCT AWARD! biro mo...naging mabuting tao pala ako...nung 1HS haha
28. First Sport You Joined?: chess? hahahha
29. First pet: rabbit
30. First Vacation: beach
31. First date: glorietta4...
32. First Love: AHEM AHEM!

[favorites]
33. Movies: Star Wars, Lord of the Rings, Identity, Corpse Bride, Crash, My Sassy Girl
34. TV shows: Survivor, MTV, News Central
35. Colors: actually...lahat ng kulay meron na sa wardrobe ko
36. Bands: orange and lemons
37. Songs: mga frank sinatra...tapos marami na rin
38. Food: japanese, italian, kanto
39. Drinks: VODKA!
40. Candy:  ferraro rocher
41. Sport To Play: tennis
42. Sport To Watch: does wrestling count? tennis
43. Brand Of Clothing: mostly oxygen...tapos human...tapos iba na
44: Boutique/Store: powerbooks at music one
46. Animal: rabbits
47: Book: dan brown, neil gaiman... others
48. Magazine: TIME (o diba...)

[do u like.....]
51. Typing: pwede na
52: Online?: most of the time
53. Listening: YEAH!!!
54. Thinking About: how not to think anymore
55. Want To: HAVE FUN! LOTS OF FUN
56. Watching: people fighting
57. Wearing: polo
58. Want Kids?: not really
59. Want to Get Married?: NO
60. Careers in Mind: politics, film industry


[choose between...]
67. Cute or Sexy: cute.
68. Lips or Eyes: EYES!
69. Hugs or Kisses:  HUGS parin...HUGS HUGS HUGS...although ayoko na rin sya ngayon
70. Short or Tall: tall.
71. Easy going or serious: easy going 70% serious 10% others 20% hahaha
73. Fatty or Skinny: skinny.
72. Romantic or Spontaneous: spontaneous.
74. Sensitive or Loud: more loud than sensitive
75. Hook-up or Relationship: NONE hahaha
76. Sweet or Caring: caring.
77. Trouble Maker or Hesitant One: TROUBLE MAKER
78. Kissed a Stranger: AHEM!!!
79. Drank Alcohol: YES!
81. Ran Away From Home: for 2 minutes...
82. Broken a Bone: nope
83. Got an X-ray: lots of times
84. Broken Someones Heart: YES! broken to the last part
85. Broke Up With Someone: YES
86. Turned Someone Down: YES
87. Cried When Someone Died: nope
88. Cried at school: once hahaha

[do you believe in]
90. Miracles: hmmm...yes
91. Love At First Sight: HMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM....
92. Ghosts: YES
93. Aliens: YES
95. Heaven: hmm... i wouldnt use the term..pero yung concept yes
96. Hell: very much...but more of the freezing Hades rather the burning catholic rendition
98. Kiss first date: nope
99. Horoscopes: sometimes


[answer truthfully]
100.Is There Someone You Want But You Know You Cant Have?
YES!!!!!!!!!!!

Posted by mikhailnovich at 07:33 AM | 3 bored...

mamatay man

napanood ko na yung Corpse Bride nung isang araw.
panalo sa script. puro double meaning...

"why do you want to go up there, when everyone's dying to get down here"

ok naman yung palabas...although somewhat necrophiliac ang dating. sino ba naman ang mainlonve sa isang naagnas na babae? (parang yung prince sa snow white...na isa ring necrophiliac) nakakatawa yung isang character, mukhang pwet yung baba...tapos yung isa kamukha ni ms.minchin

maikling palabas pero maganda. kahit may konting jumps...patawarin na natin. ang twisted talaga hehe

tapos napaisip pa ako...cinematic na naman...

"buti pa yung patay nagmamahal..." chak! hahaha yung parang "mamahalin kita hanggang ikamatay ko"

hmmmmmmmmmmm wala akong comment hahaha
happy na ako at nakatingin na lang ulit sa paligid...nagmamasid habang tumatawa ng matagal. pilit na iniintindi ang lahat ng nangyari...pero minsan sana mamatay na lang ako para matapos na ang makamundong buhay na ito...tapos pupunta na lang ako dun sa kung saang dako ng aking imahinasyon kung saan andun "sya"... hahaha

------------

added* natapos na ang video exercise namin...grabe...gusto ko mag-react...pero since mabait ako today (swerte!) wala munang reaction...

------------

Kinabukasan

Ilang araw kang nanatili
kung saan kinalimutan ang lahat
Doon nakita ang pahingang kinailangan
Para hindi maalala ang mga nangyari
Nagliwaliw sa lawak ng gubat
Dinama ang diwa ng paligid
Hinaplos ng hangin
at nagtampisaw sa tubig
sa gitna ng pagninilay
sa lalim ng gabi
hindi malimutan ang takot na nakakubli

bukas, babalik na sa katotohanan
bukas, haharapin na ang kinatatakutan
kasama silang lahat
ito ay malalagpasan
bukas ay babalik na sa katotohanan
bukas haharapin na ang kinatatakutan
kasama silang lahat
ito ay malalagpasan

Sige, isigaw mo..
Sabihin mong nakaya mo
Akala mo na ang mundo mo ay guguho
ngunit nagkamali ka
Sige, isigaw mo
Ipagmalaki mong nakaya mo
ang hirap na nakuha mo
Sige, isigaw mo
sabihin mong nakaya mo

-------------

Quote:
"aba...maganda na sana ang effort... pero tanga!"
- Ms. Lanie Rallos (habang kinakausap kami tungkol sa nanghiram nung projector sa kabilang building kahit may hiraman naman sa kabilang room)

Posted by mikhailnovich at 01:11 PM | 3 bored...

October 11th, 2005

si lord at ako

nung sabado, plano namin magshoot ng video exercise para sa aming VIDEOPR (video production) class. sa sobrang pagcareer ng subject na ito, gumawa ako ng storyline ng mas maaga at nag-ayos na ng cast.

kaso, kinagabihan ng viernes, naospital ang isa sa mga "talents" ko... tapos yung isa, nawawala... kaya pinahanap ko na ang aking "producer" ng iba pang talents...

pagdating sa aming kolehiyo, kinuha na namin ang mga gamit...siguro nagkakahalagang 500 libo kami nung mga panahong iyon.

gusto na sana namin magstart kaso kulang sa sasakyan, wala pa kasi ang kasama naming si Alfred...nasa macapagal boulevard pa daw sya. Hintay kami ng "production team" sa gitna ng benilde...

nang biglang...UMULAN. yez! wagi! buti na lang at naisampa na namin ang mga gamit sa XTRAIL ni Timmy. Naglokohan kami, galit yata si lord nung mga panahong yun.

dumating na si alfred at pumunta na kami sa malayong lugar ng BF HOMES PARAñAQUE.

pero putulin natin ang kwento... naputukan kami ng isang ilaw, nawalang ng 2 talent, nasiraan ng extension cord, nasiraan ng fuse sa bahay at inulan ulit...GALIT nga yata si Lord. hahaha

panalo...mas gugustuhin ko talang maging scriptwriter kesa maging direktor...grabe! halos magkainisan kami ng team dahil sa kawalan ng sistema dahil umulan at kinailangan kong gumawa ng on the spot new concept para sa naturang mtv. sino ba ang sisisihin pag nagkagulo? edi kung sino ang nasa itaas...kaya ok lang sakin nung parang badtrip na ang iba sa grupo since ang gulo naman talaga nung araw na iyon.

grabe...

-----------

Quote:
"hindi ba nya alam na kaibigan natin si mito at sa atin sya nagsasabi ng galit nya?...hindi nya alam na mamaya ibabackstab na natin sya hahaha"
-
Mishi or Jaja hahaha

Posted by mikhailnovich at 02:42 PM | 5 bored...

October 16th, 2005

mukhang ano? mukha mo!

malapit na akong makabili ng videocam para sa videopr (sa wakas, hindi ko na kailangan humiram sa benilde). Kaninang umaga, sinabi ko sa tita ko na makihati sya sa bayarin ng videocam para hindi naman papasanin ng isa ko pang tita at ng aking mga loving parents ang gastusin.

nagtanong sya, "ano ba talaga ang course mo at kailangan mo ng ganyan?"

sinagot ko sya "multimedia arts...ano ba akala nyo? comsci parin ako?"

"ano naman magiging trabaho mo dyan?!"

dumipensa si mama "mostly sa pelikula at advertising yan...tulad nila jose javier reyes at lauren dyogi"

parang nairita na ako...umalis na ako ng kusina baka kung saan na naman mapunta ang usapan. narinig ko na naman ang isang usual na statement...

"nako...mukang ano na nga..."

inunahan ko na sya "ano na naman?!"

"ano ba si jose javier reyes? si soxie topacio? si joel lamangan?"

sabi na eh! nagsalita na ako "si carlitos sigiuon(?)-reyna?! si ra rivera? si lauren dyogi" (haha naalala ko kasi nasabi ni mama) umiral na naman ang pagkakitidng utak ng taong pinanganak noong panahon pa jose p. laurel.

naalala ko rin tuloy yung kwento ng isang kaibigan ko sa yearbook... na may isang prof na nagtanong kung bakla yung kaibigan nya kasi magaling ito sa...arts...

gumagawa ka na ng matino... iisipan ka parin ng anomalya (i have nothing against GLBT *gays,lesbians,bisexuals,transgenders* pero ginamit kasi ang term as derogatory as it can be...

-------------

my sister is now a certified slasher

---------

Quote:
"cass...ikaw ngayon ay nominated once again..."
"uh...thank you..."
hahaha hindi na nya alam kung ano sasabihin nya

Posted by mikhailnovich at 02:43 PM | 7 bored...

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links