papalayo ulit
nung saturday night, pauwi na kami ni Marvs sa cavite. Kakagaling lang namin nun sa glorietta kasama ni Jaja para maglaro ng DanceManiax at kumain ng "marami" (kaya na namin mag-wild sa dance!) Nung nasa may area na kami ng Cavite-Manila boundary, sobrang traffic. Medyo tulog na ako nung panahong iyon nang biglang bumukas ang pinto. May lalaking pumasok [at tinapakan pa ako]. Sabi nya, nasiraan daw yung bus na sinasakyan nya kaya nakisabay sya sa FX na lulan ko. Tapos sinabi nya sa driver
"manong eto yung bayad, baba nyo ako sa may Molino, JESUS MIRACLE CRUSADE"
pinababa ng driver yung manong kasi hindi naman Molino ang daan namin...nagalit ang lalake, galit na bumaba at sinabing "MABANGGA SANA KAYO! MAPUNTA KAYONG LAHAT SA IMPYERNO". Hindi na sya nahiy, may mga bata sa FX pati mga senior citizen. Matapos nyang sabihing taga JESUS MIRACLE CRUSADE sya, ganun ang ugali nya? ganyan ba ang tao 'pag sumusunod sa utos ng diyos? nagtanong at nagtaka yung bata...nanghinayang tuloy ako, sa murang-edad marumi na ang tingin sa mga sectarian chuchu na yan.
----------------------
Kanina naman, kumain kami nila Jet at Miggy sa Yellow Cab. Masaya naman, kaso nung tumagal, nawalan ako ng gana [isang slice lang at kalahati ang nakain ko]. Hindi ko alam kung bakit... pero tingin ko dahil yun sa katabi naming mga "matatanda" na nagdedebate tungkol na naman sa Diyos. Yung isa, feeling pastor...kung ano-ano pinagsasasabi... yung tipong pampagulo, parang yung mga taong literal na iniintindi ang Bible. [kasama na rin siguro yung fact na naiirita ako dun sa tatlo namin klasmeyts na tingin ko eh pumapasok lang para lumandi]
Ewan! hindi talaga ako religious... pero mas gugustuhin ko pa ang mga taong kahit hindi religious pero matino kasama at kausap. Hindi close-minded tulad ng iba...lalo na yung nagmamarunong sa pananampalataya.
-----------------------
Card Reading:
Time to do exciting things you've been wanting to do but for which you perhaps felt you didn't have the energy
-----------------------
Quote:
"We only say it's unfair if it is only unfair for us"
- nalimutan ko (naks! first time na inspiring ang quote"
Currently listening to: Telepopmusik - Breathe
Currently watching: ABSCBN - Insider
Currently feeling: stressed
Posted by mikhailnovich at 04:04 PM | 11 bored...