Entries for May, 2005

May 4th, 2005

cordless phone

ewan ko lang ah...

ano ang silbi ng cordless phone kung dadalhin mo ito sa kwarto mo kung saan may extension ka na ng telepono dun? hmmmm...

---------------------------

"paki-ayos nga sa pader ung kruspiris" (ano daw?! crucifix!!!)
- isang nanay na kaibigan ng aking ina

 

Posted by mikhailnovich at 10:04 AM | read!

fish

from Anne:

Love! Comment here with your name and I'll tell you something I adore (or at least mildly like) about you. Afterwards, copy and paste this into your own journal.

[or at least i can consult the tarot and see] hehe

Posted by mikhailnovich at 05:48 PM | 22 bored...

May 12th, 2005

two rants, a card and a quote

nung isang araw napanood ko ung M.R.S., may nakita akong request "sana mabinyaganyung 9 na anak ni Aling whoever" kasi ang dami na raw nilang gastos kaya napagpaliban na nila ang pagbibinyag. Edi parang nagulat ako sa request, pati ba naman yun kelangan pa irequest sa tv. tapos eto sumunod...ang god parents? Ahron Villena [ang taong katulad ni geoff na kinakain ang salita pag umaarte], Aj Dee [ang taong iisa lang ang tono ng boses at hindi marunong mag-host] at si Kitkat [ang taong kamukha talaga ni Tuesday Vargas].

kinilabutan ako...

sa natutunan ko, ang Godparents ay ang pangalawang magulang ng isang bata, (in Catholic views). So malaking responsibilidad ang pagiging isang ninong/ninang. pero sa lahat ng nangyayari, parang social status lang lang ito, mas maraming godparents, mas bongga, lalo na kung mas kilala...[sen. bong revilla, edu manzano, lucio tan, vicky belo, dr. calayan, lolit solis, sec. manuel dayrit, ex-pres erap estrada] para pwede rin ipagmalaki. "alam mo ba ninong ko si bayani fernando, pamasko nya sakin, dalawang kotse na na tow sa edsa". tapos makikita ko itong request na ito na maging godparents ang mga artistang nabanggit ng walang matinong eksplanasyon... nakakatanga! "uy! lam mo ba, ninong ko yung mga tv idols"

kaya tinanggihan ko yung alok sakin bilang maging isang ninong ng anak ng pinsan ko... eh nagalit ang angkan (malas daw tumanggi sa imbitasyon maging ninong) kaya pumunta na rin ako sa binyagan. kahit papano, naisip ko, magiging mabuting "example" kaya ako sa batang ito...magiging abnormal to paglaki. (palibhasa kinuha akong ninong kasi may CASH  ako. kaya sinabi ko agad sa kanila na wag turuan ang bata na tawagin akong ninong...blasphemous ika nga. tska hindi ko na kailangan ng basbas ng kung anong bagay para maging pangalawang magulang...siguro tuturuan ko ang batang iyon na magising sa katotohanan at bukas ang kaisipan. o kaya magpa-excommunicate ako...para bawal na talga hahaha

---------------------

9 na anak tapos walang trabaho ung isang magulang, grabe! alam namang hindi kayang buhayin ung buong pamilya, gagawa pa ng barangay. hindi ko makuha yung point. kaya inimbento ang salitang abstinence at ginawa ang condom para gamitin.

---------------------

New addition to every entry!
Card reading:
Time to do exciting things or projects that you felt you didn't have the time or energy.

---------------------

"pink na polo at dilaw na sapatos?! bakla ka ba?!!? tapos ang kapatid mo mahilig sa itim, tomboy sya noh?!"
-
isang taong sarado ang utak at nabuhay pa noong panahong "presidente" pa si jose laurel (yata)

Posted by mikhailnovich at 04:45 AM as a favorite post | 2 bored...

May 15th, 2005

marami

kakagaling ko lang kanina sa aking pinakamamahal na alma mater kasi Alumni Homecoming [rogationist college, tagaytay; kaya kung may magyayaya sakin pumunta sa kung saang parte ng tagaytay, wag na lang, tatlong taon na ako dun nagpapalamig at naghahagis ng bato sa kalye]

- ang "DAMI" kong nakita...as in!!! last year, di mahulugang karayom ang paaralan,yung tipong pagnaghagis ka, may mabubulag pero kanina... maghagis ka man ng hollow blocks, sofa, at mga kaldero...wala! pwede kang gumulong-gulong; wala paring tatamaan..

- ang DAMIng balita...
a. maDAMI sa batch ang buntis
b. maDAMI sa batch ang may asawa
c. maDAMI sa batch ang nasa call center
d. maDAMI ang adik sa [ragnarok,marijuana,sex,nursing]

hindi ko ma-gets kung bakit ang aga nila bumuo ng pamilya, eh ang DAMI namang ibang bagay na pwedeng gawin... [maligo, kumain, mag-tumbling, maglakad sa kalsada, sumakay ng lrt, magbasa ng libro, magluto ng tinola, o kaya gayahin yung mother's day special song ng SURF tapos iibahin ang lyrics].

- ang DAMIng tao sa Robinson's Imus
- ang DAMIng nakatayo sa bus
- at maDAMI parin ang may suot ng dickies na ubod ng laki, kasama parin ng malalaking Bling-Blings

at sa lahat pa ng makikita ko sa araw na ito.. SYA pa...ugh

----------------

Card reading:
there is a somewhat significant change and challenge that is both occuring for the time being

----------------

Quote:
"may goals ba kayo? kung mag-iisip kayo ng goals, dapat yung hindi maaabot, yung suntok sa buwan..." (aba, sira ata ulo nitong taong ito... gagawa ng goal na un-attainable, edi sumama lang loob mo? Hello! ever heard of SMART [s-pecific, m-easurable, attainable,r-ealistic and t-ime bound])
- Venus Caesarea, Leadership Training Facilitator

Posted by mikhailnovich at 03:31 PM | 4 bored...

May 19th, 2005

after some time

akala ko nasira na ang tabulas. buti na lang walang halos nangyari nung mga araw na nakaraan except nag-initial screening yung ginawa naming film sa CCP (salamat naman!... ang pawis at dugo namin na walang bayad kundi mga sigaw at mga pangangailangang si superman lang ang nakakagawa)

nakakasama ng loob dahil para kaming mga kasangkapan na basta na lang isinantabi... kahit libreng damit man lang. Kahit ang mga artista ay nagtaka, and quoting from Lola Obang (Surf Commercial), "pag kailangan ka, kahit anino mo kilala, pag tapos na...wala na hangin ka na lang sa paningin nila"

shet...makabili na lang nga ng damit...para sa pasukan bagong buhay hahaha

--------------------------------

napanood ko na ang Star Wars kanina...(sama sa uso!) hindi ko alam..basta idol ko si Darth Vader kahit noong unang panahon na mukhang Gumby ang graphics ng Stars Wars [kahit animo'y mukhang pudpod na lapis ang ulo...sabay kulayan ng uling para kasing itim ng gabi] hindi na lang ako magkwekwento dahil spoiler pa...(well, kung isa kang fanatic, malamang nabasa mo na yung trivias at info at alam mo na kung ano mangyayari...parang si Nathan Lao hahaha)

astig rin si Chewbacca! hahaha at si Yoda...

--------------------------------

Card Reading:
Seek the cooperation of others.

--------------------------------

Quote:
"uuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuy!"
-
dahil nalimutan ang pangalan, kaya eto na lang ang nasabi ng makasalubong ang isang kaibigan hanggang lumampas na at umabot na sa malayo at dun na maaalala ang pangalan

Posted by mikhailnovich at 04:45 PM | 3 bored...

May 25th, 2005

what now?

i've decided to join CSB's Yearbook Office but i don't know what to do.
i have a new frige but there nothing to put inside.
i think i'm starting to have a cold and my throat's sore...
ugh...there's nothing really to say today.

here a pic...they're all...ME!

---------------------

Card Reading:
Do whatever you do as well as you can. And if you can, make it even better

--------------------

Quote:
"we maybe doing the wrong things, but we're doing it the right way"
-
Ed Cabagnot (i think)

Posted by mikhailnovich at 02:07 PM | 3 bored...

May 29th, 2005

so hot

i am so hot right now...literally (actually nung friday night pa, i think i reached 39.something yesterday. muntik na akong ma-tipus (thypoid fever starts at 40)) i'd blame it to the weather. Bagay na bagay ang kanta ng Rivermaya - Umaaraw, Umuulan (haha ang korny) ngayong panahong ito.

Experiencing a 36 degree Celsius with pollution in TAFT, then a 20 degree Celsius inside every classroom in Benilde will make you sick. (again...literally).

i feel kinda ok today. so i decided to go home in makati because there's so many things to do tomorrow. (from Sir Bolaños' "utang na loob" to making ads for my class at 6pm)

-------------

Card reading:
Something/someone is pulling you back. Face this so you can move forward.

--------------

Quote:
"since isa na akong public figure at idol ng kabataan, kelangan maayos [at malaki] ang aking katawan...yung presentable"
Alken (Viva Hotmen) ahem! public figure?!!?!?! at idol ng kabataan? ewan ko sa iba...pero never akong nag-idolize ng isang macho dancer... hahahaha

Posted by mikhailnovich at 02:56 PM | 2 bored...

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links