Entries for March, 2005

March 3rd, 2005

nakikiuso and stuff part II

nagtytype ako kanina...mahaba na ang post ko tapos biglang nag-restart ang pc... tae! ay wa poise...shit! crap! waste! feces!
since masipag ako today uulitin ko

------------------------

buraot ang scrpwri
walang kwenta...or so it seems,
palibhasa daldal lang ako ng daldal ng daldal ng daldal ng daldal sa gilid. wala si jetplane, tingin namin ni jajaworski tinamad

tapos may binasa kaming text...mga 1hr na late naming binasa, "jajaboom, hindi ako attend ng class ngayon, nag-collapse ako, andito ako sa clinic" nung binabasa namin, may papalapit bigla, si jetman.

hithithithit daw kasi ng yosi...SMOKING CIGARETTE IMPEDES THE SUPPLY OF OXYGEN TO YOUR BRAIN WHICH MAY RESULT TO CERTAIN COLLAPSING, AND NAUSEA...my ass haha (btw, yosi makes your skin older dahil nga walang supply ng oxygen, pero bakit ako? kutis Kristine...yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaack! pwet na lng ng sanggol pwede pa)

pinagusapan lang namin sa class ang mga kajojojojojologan nung kabataan...although hindi naman talaga jolog, si LITO CAMO lang naman ang jolog (pati ung mga skwater sa mall na naglalakad na akala mo gwapo na nakasuot ng malalaking tshirt ng DICKIES na pwede nang kumot ng tatlong bata at punong-puno ng mga fake na bling-bling)

from shaider,to voltes v, to ghost fighter, to cedie, sarah, peter pan, sailormoon, jiban, machineman, cooking master boy and everything...

-----------------------------

kakainis...sa buong stay ko sa unibersidad ng luntian at puti, hindi pa ako nakakamit ng 4 sa kahit anong subject. KAHIT PE!!! 3.5 na highest ko...laging alanganin sa raw score, either kulang ng 1 or 2 points. sinumpa na yata ako...maging gwapo hahahaha
bullock!!! sandra!!! (booooo corny)

-----------------------------

nagkalat na naman ang mga hunyango...hindi lang sa gokongwei, sa buong lasalle

-----------------------------

"sa eskwelahan, ano ang nasa gitna ng elementary at ng college?"
beeep!
"uh....FLAGPOLE!!!"
(ay panalo...) although mukhang grammatically incorrect ung tanong nakakatawa parin

- WOWOWILLY at isang bald studio contestant

----------------------------

para akong bangag sa post ah... masaya lang,

Posted by mikhailnovich at 05:50 PM | 4 bored...

March 6th, 2005

age!

ayan...im in makati again.
hahaha kasama ko kapatid ko sa david's. sya nag-parelax ako nagpagupit. lumandi kami pareho. haha vanity and cuteness

nag-iinuman sila mama kanina sa parañaque, eh beer...so yuck. pumunta na lang ako sa loob para makipaglaro sa first ever inaanak ko. (2 yrs.old na pala sya) (and yes! i am a GODparent whoo!)... pero umiyak...akala siguro kumakain ako ng bata, hahaha

lumabas ako at pumunta na lang sa inuman para kunin ung TOSTILLAS kina mama

Tito : oy mito ilan taon ka na ba?
Mito : ha? ah..eh... 20 na sa July
Tito : amputa, bente ka na?! akala ko 16 ka lang.. (whoo! that means ang cute ko hahaha)
Tita1 : kinis parin ng mukha mo ah... pero 20 ka na?!
Tita2 : ang tanda mo na!
Mito : i know...wag nyo naman pagdiinan...


(sabay iyak nung inaanak ko...uwaaah-uwaaah)

shet ang tanda ko na talaga...sobrang nafrufrustrate ako...ayokong tumanda... hehehe or at least that's my dilemma, too young to be taken seriously or too old to be taken lightly. argh.... age!!!
mahanap nga ang fountain of youth or makapagp-clone na lang hahaha whoo! maraming MITO!!! maraming cute!!! (wala talagang walang dadaig sa confidence) hahaha

---------------------------

"why in the hell will i fight with a pathetic whore?"
"hoy martha daniels, patitik hur pala ah"

- Martha Daniels and Keanna Reeves sa ETK
di ko alam kung matatawa ako o maiinis

Posted by mikhailnovich at 04:29 PM | 2 bored...

March 9th, 2005

what does this mean?

"so anong plano mo? are you going to [input action]?"
"ha? hehe Ü " <- ano ang ibig sabahin nito

sinasabi nilang action speaks louder than words...masyado nga lang strong...

words have different meaning, depende sa pag-gamit...

sa palagay nyo, ano ang ibig sabihin ng "ha? hehe Ü"
(why put a hehe and the every used... Ü in general...halatang may tinatago o may underlying meaning

nahirapan ako sa post na to ngayon... ayoko kasi about someone

-------------------

"sana ang buhay ay puro na lang sex at sex"
- isang kakilala...grabe hindi ko na kelangn i-consult ang tarot para masabing after 6 years may AIDS na togng taong ito

Posted by mikhailnovich at 04:03 PM | 3 bored...

March 12th, 2005

sa bahay

hindi na ako tumuloy sa tagaytay... nagising kasi ko ng 1pm.
sobrang wala talagang kwenta magplano si MITO.
kaya dapat talaga ituloy ko na ang pag-gawa ng personal planner ko....(o diba magiging oc na ako) tapos sariling designs para proud sa skills

-------------------

napansin ko, lahat ng stories ko...about death or someone killing someone.
hindi ko naman gustong mamatay. panget un, kakainin lang ako ng mga kadiring uod wahahaha... masyado lang siguro akong freudian hindi manyak ah...aggressive at gory

hindi manyak ok? hehehe

buti na lang may commercial at documentary kami...mababawasan ang pagiging brutal ko

-------------------

the tarot said not to trust someone...problema,sino? hindi ko nakita kung boy or girl...basta guguluhin daw ng taong ito ang success ko sa isang aspect...baka sa showbiz.. hahaha

AT

may isang taong magsasabi sakin ng matinding sikreto... kaya kung IKAW un...wag na muna, please lang marami pang masasamang pangitain ang nasa katawan ko, wag ka muna magdagdag...baka bumaho ang paligid hahaha

--------------------

kanina pa ako kumakain...shet ayokong tumaba wahahaha
tinanggal ko na rin muna ung red background... babaguhin ko na ang design nitong blog nato... or at least transfer this to my website :p

--------------------

"wala akong pet! gusto ko mag-alaga ng.........CRAB!"
- isang friend (talk about having weird animals as pets)

Posted by mikhailnovich at 04:59 PM | 2 bored...

March 16th, 2005

fact or fiction

-an intense night-

it was seemingly dark. the only source of light was coming from the muted television. the computer was playing soft jazz because i wanted the night to be peaceful and clam.

it felt good lying in my bed; pillows were big and the mattress was soft. when i closed my eyes, i couldn't move and i couldn't sleep. She was already hugging me. And it gets tighter the moment i move.

she was whispering. Her hands were moving around my body. i've wanted to look her straight so i can see her face. when i turned, i heard her moan, and the seemed that she was removing her arms away from me.

i opened my eyes...

all i've seen was paper flying everywhere because of the electric fan; the muted television showing static and the computer still playing soft jazz.

i was alone...

fact or fiction?
FACT!

-------------------------

There's a somebody I'm longing to see,
I hope that he turns out to be
Someone to watch over me
I'm a little lamb who's lost in the world
I know I could always be good
To one who'll watch over me
Although he may not be the man
Some girls think of as handsome
To my heart he carries the key, humm...
Won't you tell him, please, to put on some speed
Follow my lead, oh, how I need
Someone to watch over me...

kanta ba ito o hinde?
KANTA Barbra Streisand...tapos kinanta ulit ni LEA SALONGA whoo!

--------------------------
"wag na sya mangi-alam kasi taga benilde sya"
- si... toooooot!
tapos kung ikaw si _____________, at nababasa mo itong part na'to.
sabihin mo na sa kanya, at iback-stab mo ako heheheh :p

Posted by mikhailnovich at 05:36 AM | 2 bored...

March 17th, 2005

picture picture

wala kaming ginawa kundi kumuha ng retrato,
photo essay na'to!



------------------------

"Tanga!"
- mito and jaja

Posted by mikhailnovich at 05:31 PM | 4 bored...

March 20th, 2005

hu's da man?!

manny pacquiao lost...

hinihintay ko na lang na sabihin sa tv na dinaya sya. ganun naman lagi eh. pag natalo, sasabihing dinaya... (kasabwat daw ang

referee, mali ang gloves, negated points, et al) tapos maglalabasan ang maraming speculations...
ayaw nila tularan si manny, tinanggap ang pagkatalo...

for that, astig ka manny pacquiao! only a few can accept defeat.

tapos malungkot daw sya dahil marami ang umaasa sa kanyang pilipino...
kahit ako nag-wish na manalo sya, pero hindi yung tipong manggugulo o maiinis ako sa lahi ni morales at sa mexico dahil

natalo tayo. pasan ni manny pacquiao ang pilipinas sa mahigit 20 minuto. lumaban ngunit natalo...pero bottom line, LUMABAN

sya...kahit alam nyang punit na ang kanyang kilay, sige parin. MATAPANG! hindi tulad ng ibang tao dyan... (aba, nagpatama

parin)

Manny! you're da MAN! (sana ung "iba" na lang ang natalo...wahaha)

kaso...feeling ko, aalisin na sa limelight yang si manny...after luisito espinosa, onyok velasco at kung sino pang medalist ng pinoy... kasi may lamat na ang records... pilipinas pa... kung saan naghahari ang MEDIA at exposure

"Babangon ako at dudurugin kita"
- i think Sharon Cuneta said this

--------------------------------------

"Rolando Navarete, tinubo ng kapitbahay"
- dating boxing champ...na laging may kung anong balitang kakaiba pag may kakatapos lang na championship ng kasali ang pinoy

Posted by mikhailnovich at 01:16 PM | 5 bored...

March 22nd, 2005

pati ako may wishlist

ano ba gusto ko?

- new supply of clothes from OXYGEN
- new shoes from ADIDAS
- CANON digital SLR
- NVIDIA 256mb video card
- Pentium 5 (blah blah numbers-thanks to mishy for the correction)
- 1 million pesos
- become a member of ROADRUNNER Phils. :p

and...(drum roll)

- world peace! hahaha showbiz

pwede na yang mga yan! hahahha

----------------------

"the sun is the center of the solar system that's why the planets are moving around it and not bumping each other because if they bump each other there will be a great collision of planets that will cause maximum destruction to the solar systerm whose center is the sun..."
- isang bangag na lalake

Posted by mikhailnovich at 05:29 AM | 7 bored...

March 24th, 2005

holy week

eh!

wala akong ginawa kundi kumain ng empanada, lumpia at uminom ng sago...

tska mag-alaga ng bata habang ang angkan ay nagpapasyon...

picture picture!
[img:575262]
---------------------------

"tanong! ano ang capital ng Japan?"
beeep!
"uh...J!!!"
- sa WOWOWEE... (yes, i watch it...kasi walang Eat bulaga pag holy week)

Posted by mikhailnovich at 05:00 PM | read!

March 28th, 2005

anong oras na?

argh...
i [really] dislike highly-fanatic-devout-narrow minded religious people (especially catholics)

hmmmm

- thou shall not kill

or

- thou shall not fall in love with the same sex

morality..my ass!

tumawa lang kami ni love, na pati ang Pope pinatulan ang "Da Vinci Code"...

---------------------------------

pag ang tao namatay sa isang magandang paraan (figuratively)
[natural death, disease] sasabihin... "oras na nya," then if "miraculously" lives sasabihin "hindi pa nya oras ["god" must have a reason]"

but when someone gets killed or dies a horrible [accidental] way, the grieving party would say "justice!!! hindi pa nya oras...[patayin ang salarin]"

what's the diff? diba oras na din nya? hindi lang maayos...

(pero ayoko talaga yung "kung oras mo na, oras mo na..." i think its stupid... where's the free will kung alam na pala ng "someone" na mamamatay ka na?) - ayan, medyo contested pa ang "paragraph" na ito

hmmmm...ma-consult nga ang tarot (hahaha hypocrite)

---------------------------------

"bakit MARV ang pangalan mo?"
"uh...short for Marvin..."
"ay oo nga naman..."

(pano kung sinabi nung tao na 'kasi pangalan ko Eugenio' kaya Marv ang nickname ko) hahahah
- Marvin Semilla and Kris Aquino [Pilipinas:GameKaNaBa?]

Posted by mikhailnovich at 04:14 PM | 6 bored...

March 31st, 2005

dubbers in paris

dialogue...monologue...decalogue?

gaano ka-importante ang dayalogo sa pagitan ng dalawa o higit pang mga nilalang...(kahit sa sarili)?

according to the lecture...
- to reveal one's psyche & persona...

para sakin...
- para hindi ma-panis ang laway...sa katititig sa pader o kaya sa mukha ng kung anong mang entity. hahaha

kidding aside, its simply to communicate...para malaman ang saloobin ng isang tao...kung may problema ba sya, o gusto lang talaga nya ng kausap.

kaya mas gusto ko pa ng isang maingay na tao...o kaya basta someone whom i can have a healthy conversation...(or kahit basta kung anong conversation) hindi ung taong parang bato, parang tood, parang poste, parang puro dumi ang tenga na hindi nag-rereact sa lahat ng pinagsasasabi ko.

kung sa sarili naman...hindi naman ito sign ng pagiging baliw...sa tingin ko, mas maganda na at least nalalaman mo kung ano ang gusto mo... try, humarap sa salamin at kausapin ang sarili, may konting psychological accomplishment. di ko ma-explain pero parang helpful pa nga...para bang "thinking aloud" kesa naman itago mo yan sa loob mo...babaho pa )

action speaks louder than words...but i prefer talking it over than using brute force...kaya nababagay daw ako sa publicity...tsaka sa showbiz...

-------------------

"kainin mo ako, pagkatapos mong maglaba"
- a fish?

Posted by mikhailnovich at 06:10 PM | 6 bored...

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links