pinoy post! pangalawa na'to
kanina may shoot na naman kami sa DLSU TV Studio. kasama ko si Joy Soler (theater actress) tska si Cris Villanueva. masaya naman...kasi libre food and drinks, marunong din manghula ung isa sa production team namin. freak-out si ****(wardrobe) kasi sapul ang kanyang lovelife nung nagbabasa si ******(Props).
nakakatuwa dahil pareho kami ni ******(Props) ng hilig... PAGBABASA NG HINAHARAP... kunh titignan, mawawala ang pananabik para sa mga mangyayari pa lamang... pero ganun talaga, pag may regalo kang kakaiba, bakit hindi mo gamitin. (wag lang sa masama)
pagdating ng ika-walo ng gabi, nagtawag ng pulong ang direktor ng pelikula... ang bait talaga nya, hindi tulad ng ibang tao sa tabi. sobrang mapagkumbaba at hindi dugong-aso.
napaparami ang problema ng produksyon, mula sa mga permit pati sa mga libreng araw ng mga artista.
"nagsimula tong production na ito... mula sa paki-usap lamang. hindi ganun kalaki ang budget...at natutuwa ako kahit papano napakiusapan namin kayo para sumama at tumulong sa production na ito. sorry kung nahihirapan kayo, hindi ko naman kayo pwedeng pagalitan dahil pinakiusapan kayo at mga estudyante din kayo. maraming salamat at tumulong kayo"
damang-dama ko ang lungkot ng direktor namin... ung tipong parang gusto kong umiyak...(ngi!) sa loob ng kwartong pinagpupulungan namin. Napatitig lahat ng tao... walang makapagsalita...lahat nakatingin sa direktor namin.
sana tinamaan yung mga "slave drivers" sa grupo... ung kung maka-utos, akala mo kung sino.
nalungkot ako bigla...nahiya ako dahil kahit papano, binababoy ko ang trabaho ko para mahirapan ang mga taong walang kwentang ka-trabaho. pero nung narinig ko ang direktor namin... naisip kong galingan...
PARA TUMAAS ANG SWELDO KO :p
sobrang panlulumo na ang nararamdaman ko kaya kailangan humirit hahaha
Mabuhay ka Sir ***!!!
----------------------------------------
"hiwalay? wag...malungkot yun!"
- Dr. del Mundo (nung nagplano kaming maghiwalay para kanya-kanyang trabaho muna) hehehe
Currently listening to: some classical music
Currently feeling: depressed